Sabi mo na ako ang mahal mo,
Sabi mo hindi mo sasaktan ang puso ko
Pinapaasa mo nanaman ba ako,
Sa mga matatamis na pangako mo?Ayoko makarinig ng puro salita,
Ipadama mo, ipakita mo sa gawa,
Gusto kong paniwalaan lahat ng sinasabi mo,
Kaya sana naman wag mo na saktan ang puso ko.Bigla kang susulpot, biglang mawawala,
Paano maibibigay ang tiwala?
Lahat ng mga aksyon na pinapakita mo,
Taliwas sa mga bagay na sinasabi mo.Inaamin ko hanggang ngayon mahal kita,
Alam ko hindi ako nagkulang sa pagpapakita,
Sinasabi mo na mahal mo ako,
Pero bakit hanggang ngayon ako'y iyong niloloko?

BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoetryAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...