Kasabay ng pagbuhos ng ulan,
Luha ay tumutulo, naaalala ang nakaraan,
Pag ihip ng hangin na sobrang lamig,
Maihahambing sa kinahinatnan ng ating pag-ibig.Mga kulog na nakakabingi sa pandinig,
Parang mga pangakong mong masakit sa tenga pag narinig,
Mga kidlat na nakakabulag, tumutusok sa kalangitan,
Parang mga binigay mong pasakit sa'king kalooban.Mga nahuhulog na dahon sa mga puno,
Parang pag-ibig mo na unti unting nawala at natuyo,
Ang malakas na pagbuhos ng ulan na nakakarindi,
Parang nung ikaw ay nangakong mananatili.Para kang isang malakas na bagyo,
Hindi napapaghandaan ang pagdating mo,
Sa tuwing pagbalik mo may mga nasasaktan,
Nakakasira, isang sakuna, laging iyong iniiwan.
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoesíaAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...