May mga katanungan sa aking isipan,
Bakit pag nagmahal kailangan masaktan?
Hindi ba pwedeng piliin ang nararamdaman?
Bakit kailangan makadama ng kalungkutan?Kapag ba sinimulan laging may katapusan?
Kapag ba hinawakan kailangan din bitawan?
Noong una'y mainit bakit dapat manlamig?
Bakit kailangan matapos pa ang pag-ibig?Sana di na lang binigay kung babawiin din,
Sana di na lang dumating kung iiwan ka lang rin,
Di na dapat pinagtagpo kung biglang paglalayuin,
Wala sanang pangako kung lahat ay mapapako din.Kailangan ba laging magsisimula sa umpisa?
Para lahat ng mga pagkakamali ay makita?
Hanggang kailan ba uulit ang ganitong eksena?
Dadating ba ang para sayo pag ikaw ay sawa na?
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
ŞiirAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...