Sigaw ng Puso

31 1 0
                                    

Sayo lang itong pag-ibig ko,
Hindi ipagpapalit sa kahit ano,
Ikaw lang ang laman ng puso ko,
Hindi magsasawang iparamdam ito sa'yo.

Sobrang ligaya ang idinulot mo,
Dito sa dati'y malungkot kong puso,
Dati'y madilim, nag iisa sa mundo ko,
Nang ika'y dumating nagkakulay ang buhay ko.

Sana ay dito ka lang sa'king tabi,
Kayakap at hawak ang kamay tuwing gabi,
Hindi magsasawang halikan ang iyong labi,
Dito sa puso at isip, ikaw ang laman palagi.

Sana hanggang sa huli ako lang at ikaw.
Aking hinaharap ay binigyan mo ng linaw,
Bawat paglingon ko, hinahanap ay ikaw,
Pakinggan mo ang puso ko, ikaw ang sinisigaw.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon