Simula ng Paalam

28 0 0
                                    

Unti-unti, dahan-dahan,
Aalis, at ika'y tatalikuran.
Di na ako maghihintay,
Alam kong ako'y masasanay.

Sana'y di naglaan ng oras,
Sana'y bigla na lang umiwas,
Ako na mismo ang aatras,
Iibahin na ang aking landas.

Ayaw guluhin ang iyong isipan,
Ako'y lalayo para hindi masaktan,
Nadarama sakin ay iyong pinagliban,
Dahil alam mo na walang patutunguhan.

Kaya unti-unti, dahan-dahan,
Aalis, at ikaw ay tatalikuran,
Maglalaho nang hindi mo alam,
At ito na ang simula ng aking paalam.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon