Sana sa Akin...

7 0 0
                                    

Naaalala ko ang mga panahon,
Masasayang alala ng kahapon,
Nung sa akin lang ang iyong pag-ibig,
Mga matatamis at malalim na pagtitig.

Mundo'y tanging pinaikot sayo,
Mundo'y tanging ibinigay sayo,
Lahat ng oras binuhos sayo,
Buong pagmamahal inalay sayo.

Sana'y ating maibalik ang nakaraan,
Sana'y ating gawin lahat ng paraan,
Sana'y hindi bumitiw at umalis,
Sana'y madinig ang aking ninanais.

Gustong ibalik ang ngiti sa iyong mga labi,
Gustong laging manatili lang sa iyong tabi,
Gustong ituloy ang sinimulan na kwento,
Gustong sana sa akin ika'y makuntento.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon