Sabihin mo, paano?

68 0 0
                                    


Lumipas ang mga panahon,
Unti unti pa rin nililimot ang kahapon
Yung ikaw, ako, yung tayo,
Tinatanong sa sarili kung paano?

Paano lilimutin ang init ng mga yapos,
Ang mga hawak at init ng haplos?
Paano lilimutin ang mga halik,
Kung hanggang ngayon ako pa rin ay nananabik?

Paano babalewalain ang mga alaala,
Kung sa napakaraming bagay nakikita ka?
Paano isasantabi ang mga pangarap,
Kung wala ng ikaw at ako sa hinaharap?

Paano muling pupulutin ang durog na puso,
Kung ang pagmamahal mo ang unti unting bumuo?
Paano muling uusad, babangon, at ngingiti,
Kung sa puso ko ikaw pa rin ang natatangi?

Sabihin mo, paano limutin ang isang katulad mo,
Kung hanggang ngayon nakikita pa rin ang sarili kasama mo?
Paano ko sasabihin sa sarili na tama na,
Kung hindi pa rin makumbinsi ang sarili na wala na talaga?

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon