Sa Akin Inilaan

12 0 0
                                    

Paano ko pa sasabihin na mahal kita?
Sana iyong ramdam, sana iyong nakikita,
Hindi man tayo laging magkapiling,
Ang makasama ka, yun ang laging hiling.

Hulog na hulog na nga ang puso ko,
Hindi makaahon, lunod sa pagmamahal mo,
Bawat minuto ikaw ang nasa isip ko,
Bawat segundo dama ang pag-ibig mo.

Ang sarap pala talaga sa pakiramdam,
Pag nakuha mo na ang noo'y inaasam,
Pag-ibig na totoo na dati ay aking pangarap,
Ngayon ika'y nandito na, di na muling maghahanap.

Pangakong ikaw lang ang aking mamahalin,
Pangakong sayo lang ang aking damdamin,
Puso mo'y di sasaktan, ito'y aking aalagaan,
Salamat sa Maykapal dahil sa akin ka inilaan.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon