Ano ba ang dapat maramdaman?
Isip ko laging naguguluhan
Ano ba ang gusto kong gawin?
Isip ko di magawang linawinSabi ng puso ko mahal kita,
Sabi ng isip ko tama na
Masyado ng masakit, mahirap
Walang oras mag isip, bawal kumurapAlam ko konting luwag lang ika'y lilisan,
Kelangan pa ba na ito'y higpitan?
Nakakatakot na ikaw ay hawakan,
Baka pumiglas ka at ako ay iwananSana ako naman ang iyong hawakan,
Iparamdam na di mo ko kayang pakawalan
Isip ay gulung gulo, gagawin ba ay paano?
Ganito ba talaga pag nagmamahal ng totoo?

BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoetryAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...