Puso'y tumibok bigla ng mabilis,
Oras ay huminto ng hindi ninanais,
Kumirot, masakit, ayoko ng ganito,
Ayaw na maranasang sumakit itong puso.Iiwas na lang, di na lang iisipin,
Natatakot, aatras, ayokong suungin,
Wag naman sana muling maulit,
Ang pangyayari noon na napaka pait.Takot pa rin sa mga bagay na tapos na,
Takot pa rin kahit isiping tama na,
Mga tumatakbo sa isip gustong maglaho,
Kailangan intindihin para di sumakit ang puso.Hindi pa handang muling masaktan,
Nakaraang karanasan ayaw nang balikan,
Kailangan nanaman ba patigasin ang damdamin?
Kailangan nanaman ba muling piliin ang sasabihin?

BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PuisiAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...