Simulan naten sa umpisa,
Nung noon ako'y naiwang mag isa,
Gumigising araw araw ng balisa,
Nadaramang sakit gusto ng mawala.Simulan naten sa paglimot,
Unti unting iniwan ang mga poot,
Mga luha man ang tanging gamot,
Sa puso na minsan ng sobrang kumirot.Simulan naten sa pagbangon,
Naging matatag, iniwan ang kahapon,
Naranasang pait lahat ay itinapon,
Handa na akong muling puso ay iahon.Simulan naten muli sa umpisa,
Nung aking masilayan at makilala ka,
Iba ang dulot na saya, muling lumigaya,
Pag-ibig na nga ba ang aking nadarama?
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoetryAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...