Sana'y muli kang makita,
Sana'y muling mahawakan ka,
Sana'y makapiling ka pa,
Sana'y sakin hindi ka nawala.Sana'y mga ngiti mo'y muling masilayan,
Sana'y pag-ibig mo'y muling maramdaman,
Sana'y di mo kinaya na ako'y iwan,
Sana'y niyakap mo ko at hindi binitawan.Sana'y mahagkan ka muli,
Sana'y hindi nagbakasakali,
Sana'y ako ang iyong pinili,
Sana'y nagawa mong manatili.Sana'y di mo iniwan itong puso,
Sana'y maalala mo pa rin ako,
Sana'y bandang huli talagang tayo,
Sana'y madinig Niya ang dasal ko.

BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoetryAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...