#ENTRY 3

3.9K 47 4
                                    

A/N: wow ang daming reads, akalain mo yun maraming nagbabasa ng kwento kong ito? wow. nga pala ang susunod na eksena ay medyo badboy- bad na may kasamang kababuyan. basta read in your own risk. rated spgdefghijklmnopqrstuvqxyz.

-xx-

wackymervin

Kabanata 3

Anong ginagawa niya doon? Bakit nandun siya sa parehong lugar at oras na kung saan ay nandoon din ako? Bakit niya ginawa yun? Bakit niya binarayan yung bill ko sa tindahan na iyon? At bakit niya sinbe yung mga katagang iyon? Ang kulit-kulit ng isip ko. Ang gulo-gulo, naglalakad ako pabalik sa aming village na may naaninag akong...hindi pwede...bakit may usok sa....

"OH May Gosh!" bigla akong napasigaw nang dis oras, nabitawan ko pa yung hawak-hawak kong grocery na kanina ay binili ko, I mean hindi naman talaga ako ang nagbayad kundi si Kras. NagMamadali akong pumunta sa harap nang bahay. Natatarantang binuksan ang gate, pero hindi ko mabuksan. Saka ko lang naalala na naiwan ko sa loob ng bahay yung susi. Bwisit! Hindi pwede! Lagot ako nito kay Mommy. Umuuso palang naman yung bahay, at mukhang sa kusina galing yung usok. Hala, naiwan ko pala yung rice cooker doon, mukhang yun ang pinanggalingan ng usok, lagot na talaga ako kay Mommy. I'm dead!

"Mukhang kelangan mo na naman nang tulong ko ah?" sabi nang isang boses lalake sa aking likuran at noong tignan ko ito kung sino yung nagsasalita ay napanganga ako. Napanganga ako sa sobrang kagwapuhan niya.

"Ang bunganga mo, baka pasukan nang langaw." saka siya ngumising palapit sa akin. Pumunta siya sa harapan ko, malapit sa may harap ng gate at inakyat nito ang aming gate saka madaling nakapasok sa loob.

"Paano ako?" tanong ko sa kaniya.

"It's not my problem anymore. Kung gusto mong makapasok, gumawa ka nang paraan. Hindi lahat ng bagay pwedeng sabihin o ibigay sa iyo." saka muli siya ngumisi papasok sa loob ng garden namin at sa harap ng pintuan. Ginaya ko ang ginawa niya, kahit na mahirap, dahil sa nakapantalon ako ng araw na iyon ay pinilit kong akyatin ang bakod nang aming bahay para lang makapasok. Kelangan kong isave ang bahay namin, kundi papatayin talaga ako ng Mommy ko. Then nahulog ako. Oo nahulog ako, paplakdang akong nahulog sa lupa at ang sakit kaya, may kaunti pa akong sugat na natamo sa aking tuhod, pero hindi ko ito ininda. Kaagad akong sumunod kay Karlo kahit na pa-ika-ika ang paglalakad.

"Paano ko mabubuksan ito? Eh may password ang pintuan niyo. Ang sosyol niyo naman pala" is that a compliment? Well then thank you, gusto kong sabihin sa kaniya. Pero ano nga ba ulit yung password nang pintuan? Nakalimutan ko, para kasing biglang nag-hung yung utak ko.

"Hoy! Baka gusto mong magmadaling mag-isip, wag mo akong tignan dahil hindi ako password"

"Tama!" biglang sigaw ko. Na siya kinagulat ni Karlo.

"Anong tama?" tanong niya sa akin. Saka ako pumwesto sa harapan upang pindutin yung password nang bahay. Kapapalit ko lang pala ng password kanina and Karlo birthday is the one I put for the new password. Then automatically naglossen yung lock saka tumingin ulit ako sa kaniya.

"Wag mong sabihin?"

"Hmmm, tara na kelangan na ako ng mga gamit namin sa bahay" hinila ko pa papasok nang bahay si Karlo. Oo hawak-hawak ko ang kamay niya. Ang lambot nito at ang laki ng kamay niya. Hmmm thank you lord!

Kaagad niya kinuha ang fire extinguisher sa may gilidng kusinan na nagsisimula nang lumaki ang apoy. Habang tinitignan ko si Karlo na parang isang Firemen na sobrang gwapo. Ang astig lang talaga niya titigan. Parang kahit wala akong ginagawa mabubusog kang titigan ang isang tulad niya, he's so hot!

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon