#TGFY 36

430 8 0
                                    

THE GIRL FROM YESTERDAY

#TGFY 36

“Iba pala ang pakiramdam na may nagmamahal sa iyo, masaya. Sana totoo ang lahat ng mga ito”

……

Karlo’s POV

                Sinamahan ako ni Adrienne sa tirahan ng Girlfriend kong si Sophia, kahit na ayaw niya ay pinilit ko siya. Ako pa itong nag-gising sa kanya ng tanghaling iyon. Buti nalang isang subject lang yung papasukan nya ngayon araw.

Nasa harapan na kami ng bahay ni Sophia. Sa totoo lang wala talaga akong maalala, kahit ang bahay na ito, nakatitig ako sa malaking bahay ng Girlfriend ko. At sumunod naman na lumabas sa loob ng kotse itong si Adrienne. Nang makuha ng atensyon ang isang batang naglalakad papunta sa kinatatayuan ko.

“Sino po ang kelangan niyo?” tanong pa nito sa akin.

Isang Cute na batang babae ang nakatingin sa akin. Sa pagka-tantya ko ay nasa apat o limang taong gulang na ito. Mahaba ang buhok, na may kaunting bangs na siyang nagtatakip sa kanyang brownish na mga mata, yung matang katulad ng akin. Tapos mapula-pula din ang pisngi nito, noong nasilayan ko ito. At super cute niyang bata.

“Uhm, I was looking for Miss Sophia” sabi ko sa kanya na may masayang ngiti. saka biglang lumaki ang mga magagandang mata nito.

“You’re looking for my mom?” sabi nito, biglang lumapit si Adrienne. At nagulat din ito noong nakita nito ang batang nasa harapan ko. Napatingin ako kay Adrienne. At ganun din siya sa akin. Natigilan kami sa pagtitig sa isa’t isa noong biglang may isang babaeng pamilyar ang boses ang tinawag ang pangalan ng isang…Irish.

Napalingon kami sa kanya. At doon ko na nakita si Sophia. Kagaya ko ay gulat na gulat din ito noong makita kami sa harapan nito ng oras na iyon.

“Wha are you doing here?” gulat na sabi nito sa akin. Sabay hinila nito ang bata saka nito itinago sa kanyang likuran. At tinawag ang kasambahay nito. Saka naman dumating ang kasambahay at kaagad na ipinasok sa loob ng bahay ang bata.

“Uhm, sorry! Nakakaistorbo ba kami?” tanong ko sa kanya.

“Adrienne? What is the meaning of this? Hindi pa ako handa!, hindi pa ako handa sa ganito. Bakit mo siya dinala dito?” biglang sigaw ni Sophia sa harapan ni Adrienne. Humarang ako sa harapan ni Adrienne, para kasing hindi ko nagugustuhan yung pagsigaw ni Sophia sa kaibigan ko. Kahit na Girlfriend ko siya, eh bago ang lahat sa akin kaya hindi ko maintindihan kung bakit niya kelangang sigawan sa harapan ko si Adrienne.

“Ako! Ako ang pumilit sa kanya na pumunta dito. Ano ba ang kinakatakot mo ah? Ano ba yung bagay na hindi ka pa handang ipaalam sa akin? May dapat ba akong malaman Sophia?” mahinahon kong sagot sa kanya. Saka nito binuksan ang pintuan at pinapasok kami sa loob.

Pinadiretso kami nito sa Conference room. Na kung saan raw ay malapit lang sa kwarto nito.

Sa conference room ay may isang malaking bookshelves, at syempre maraming mga libro ang nakalagay dito. Katabi ko si Adrienne, kapag tinitignan ko ito ay iniiwas naman nito ang kanyang pagtingin sa akin. At ayaw ko naman siyang pilitang aminin kung ano ba talaga ang mga totoo.

Maraming mga tanong ang umiikot ngayon sa akin isipin. Medyo sumasakit nga ang ulo ko ngayon. At noong biglang pumasok si Sophia at natigilan ako sa pag-iisip. May dala itong makakain namin dalawa ni Adrienne, pero hindi iyon ang pinunta ko. kundi siya at yung katotohanan sa bagay na sinabe niya kanina.

“Are you okay?” bungad kon tanong sa kanya. She look pale at mukhang natataranta, natapon pa nga nito yung isang basong inihain niya sa lamesa. Saka ito tumabi sa harap namin. Huminga pa siya ng malalim, kumuha ng maraming hangin. Nakakaramdaman na ako na mabigat ang usapan naming ito. At ready na ako, ready na akong malaman ang lahat kahit masakit, handa na ako.

“Since nandito narin tayong tatlo, siguro kelangan na niyang malaman ang lahat” biglang sabi ni Sophia, pero piniglan ito ni Adrienne.

“Hindi!, hindi pa siya handa!, baka makasama pa sa kanya” wika naman ni Adrienne, napatingin naman ako sa kanya.

“Ano ba kasi yung bagay na hindi ko pwedeng malaman? At anong karapatang mong itago ito sa akin? Huh? Tell me? Anong karapatang mo Adrienne?” tumaas ang boses ko. na siyang dahilan para manlaki ang mga mata nito sa sobrang gulat. I know that hindi nito ineexpect na ganun yung magiging reaksyon ko, pero nakakainit lang ng ulo kasi yung sinabe niya eh.

“He need to know the truth” dagdag pa ni Sophia.

“No…Please, Wag Sophia!” nagsimula ng umiyak si Adrienne at hindi ko ito maintindihan.

“Speak now, Sophia!” pagmamatigas ko pa sa kanya.

“The Little Girl that you saw earlier was your Daughter!” hindi ko alam kung maniniwala ako, pero may iba akong naramdaman. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. saka ko naalala kung gaano ka cute yung batang sumalubong sa akin sa harap ng bahay nila.

“What?” gulat na reaksyon ko. para akong napipi, yung lang ang salitang lumabas sa bibig ko. gusto kong mag-mura, o kahit ano pero wala talagang lumalabas sa bibig ko.

“You heared it right? Karishma is your Daughter! 4years ago!” sa pagkwekwento ni Sophia ay biglang nagsalita si Adrienne.

“Ako na ang magsasabi sa kanya” sabi ni Adrienne saka punas ng luna nito.

Napatingin ako sa kanya, alam kong hindi pa handa ng utak ko sa mga masasaksihan ko, pero alam ko na handa na ang puso ko sa mga maririnig nito.

“4 years ago, graduation ng araw na iyon. Nalaman mo na buntis si Sophia, at dahil sa sobrang hindi ka pa handa na panagutan yung batang nasa tiyan niya ay iniwan mo siya” napatingin na may kasaman gulat si Sophia kay Adrienne. Na para bang may mali sa mga kinikwento nito.

“Dahil sa sobrang nasaktan si Sophia, bumalik ito ng ibang bansa at doon nito ipinagpatuloy ang panganganak at pag-alaga sa anak niyong si Karishma, samantala ikaw? Patuloy parin sa pagiging buhay binata mo, habang si Sophia ay masaya na kasama ang anak niyong dalawa”

“Bakit hindi mo kaagad sinabe?” singhal ko sa kanya.

“Dahil ayoko na, magulat ka!. Dahil hindi kakayanin ng konsensya ko kung anong mangyayaring masama sa iyo.” Pasigaw ding sagot ni Adrienne.

Biglang sumakit ang ulo ko. sa sobrang sakit halos mapunit na ang balat ng ulo ko na hindi ko maintindihan. Natumba ako sa kinauupuan ko, at the next thing I knew nasa loob na muli ako ng hospital.

Pagka-dilat na pagkadilat ng mata ko.  isang Batang Anghel ang nakita ko. nakita ko ang anak ko. kaagad ko itong hinagkan. Nandoon din sila mommy at daddy, sa likod nila ay si Sophia at ang bestfriend kong si Adrienne.

Sa totoo lang, parang hindi ko na gustong malaman ang nakaraan ko, siguro sapat na sa akin na malaman ko na may anak ako. At sobra ko siyang nasaktan, at ngayon ang kelangan kong gawin ay, bawiin yung mga oras at araw, buwan at taon na hindi ko nakasama ang anak ko. at ganun din kay Sophia, sobra ko siyang pinaasa, sinaktan. Kaya pala ganun nalang niya kung itago sa akin ang bata, dahil sa ayaw nitong masaktan.

Napatingin naman ako kay Adrienne, ang babaeng walang ginawa kundi ang pangalagaan ang sarili ko. iniisip ko tuloy, kung magkaibigan lang ba talaga kami? O naging magkarelasyon kami dati? Sana hindi, kasi hindi siya yung babaeng bagay sa akin, I mean she’s pretty, nice and sobrang caring. What I want to say is, alam kong sasaktan ko lang siya. At masasaktan ko lang siya kapag ako ang minahal niya.

…………..

All Right Reserved 2014

Copyright By: Mervin Canta

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon