#ENTRY 54

1.9K 17 8
                                    

KUMUSTA KRAS MO?

A/N: sorry kung sa mga susunod na araw ay madalang na ako mag-update ng #KKM kasi magiging busy po ang inyong mahal na manunulat, sa mga bagay na ginagawa ko, at isa na dito ay ang aking trabaho. at ang aking kalusugan may sakit kasi akong inaanda ngayon pero wag kayong mag-alala ok lang ako. wala akong cancer, wala akong heartchurva ok ako, naiinarte lang ako haha. pero sa totoo lang ang kelangan ko ay love. chooz!

sige na magbasa na nga lang kayo at enjoy this lovely Entry 54.

spread love.

xoxo

Wackymervin.

#ENTRY 54

“Stop getting attached to people so fast, because attachment leads to expectations and expectations leads to dissapointments.”

……………………………

Adrienne’s POV.

Walang Cellphone para tawagan si Karlo.

Walang internet para man lang makachat si karlo.

Bawal lumabas, bawal kaming magkita. Bawal kaming mag-usap, is this what you call protection?.

or is this hell?.

Inilalayo nyo ako sa taong mahal ko?. Gusto kong sumagot sa kanila. Gusto ko silang sabihan na mali yung ginagawa nila. Pero ano bang tama?. Alam ko na raw ba ang tama?. Nakagawa na ba ako ng tama?, bakit kasi pasaway ako?. Bakit kasi ang hina-hina ko sa pag-aaral?. Bakit kasi ganito ako? At bakit ako umiiyak ngayon?.

Puro nalang ako iyak, pero hindi ako kumikilos para man lang kausapin sila mommy at daddy to tell them how this situation leads to broke my heart. Kung paano ako nahihirapan sa mga nangyayari, hindi ko kelangang mamili sa kanilang dalawa kasi pareho ko silang mahal.

May parents, I owe my life to them, binihisan nila ako, pinalaki nila ako, pinag-aral nila ako, pero kasi hindi lahat ng bagay maibibigay nila. Darating kasi yung time na kelangan ko rin mag-isip at mag desisyon para sa sarili ko at alam ko na hindi pa man ito yung panahon na iyon pero kasi umiibig na ako, sa totoo lang nahihirapan na talaga ako.

Nakayuko lang ako nakatingin sa sahig ang mga mata ko, pagod na akong umiyak pero marami parin luha na gustong ilabas itong mga mata ko.

Nagtuturo parin yung English Teacher namin, ng mapansin nya na hindi ako nakikinig sa kanya.

“would you Stand up ms Gonzaga?” utos pa nito sa akin, actually hindi ko sya naririnig kaya mahina akong hinampas ni Gravity para magising ako sa kahibangan ko ng oras na iyon. Pinunasan ko pa yung unting luha na medyo natuyo na sa pag-iyak ko.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon