#TGFY 37

436 8 2
                                    

THE GIRL FROM YESTERDAY

#TGFY 37

“Masaya ako! Oo masaya ako na nakikitang masaya siya, (Tsk Ang Plastik mo Grabeh!)”

……

Adrienne’s POV

                Nasa school ako ngayon. Katabi ko si Pierre pero ang utak ko ay na kay Karlo. Biglang nagsalita si Pierre, at napatingin ako sa kanya.

“Okay lang kung yung utak mo wala ngayon sa pinag-aaralan natin, pero sana wag naman na hanggang dito ay si karlo parin ang iniisip mo” malungkot na sabi nito habang nakatingin sa may White Board na kung saan ay may isinusulat ang aming Professor ng minutong iyon. Sa totoo lang sa tama siya. Kanina pa kasi nagsisimula ang Lecture pero wala talaga ako sa wisyo, ni hindi ko na tatandaan ang mga pinagsasabi ng Prof. namin sa harapan. Lutang na lutang ako ngayon.

Nakatingin ako sa mukha ni Pierre. Saka naman ito tumingin sa akin.

“Bakit? May dumi ba ang mukha ko? o sadyang Gwapo lang ako?” biro pa nito. Saka ko siya tinaasan ng kilay.

“I’m just Kidding, nakakamiss yang pagtaas ng kilay mo. Nakakamiss ka Adrienne” sabi pa nito sa akin.

“Pierre!” sabi ko

“Adrienne, please wag mo naman akong pigilang mahalin ka. Wag oo, okay na sa akin na ireject mo ako kahit kelan. Kahit ilang beses, wala akong pakialam, pero wag mo naman akong pabayaan na hindi ka mahalin. Dahil hindi ko kaya” sabi pa nito. Hindi kaagad akong nakapagsalita. Bigla nalang akong tumayo, at napatingin ang mga kaklase ko sa akin. Saka ko tinungo ang pintuan at lumabas ng klase ng oras na iyon.

Sa isang bench sa labas ng school ako napahinto sa pagtakbo. At alam ko na kanina pa man ay sinusundan na ako ni Pierre.

“Tapos ka ng tumakbo? Pagod ka na?” saka naman ito umupo sa tabi ko. nakatingin ito sa aking mukha, pero ako? Nakayuko parin ng oras na iyon. Pinipigilan ko ang sarili kong hindi maiyak. Pero kahit anong gawin kong pag-pigil ay parang may kung anong bagay na siyang tumutulak sa mga mata ko upang ilabas nito ang tubig luha.

“I’m sorry” wika pa nito. Sabay inabot sa akin ang panyong kinuha nito sa kanyang bulsa.

“Wag ka ng umiyak, pasensya na. alam kong dapat hindi ko sinabe yun!” sabay narinig kong hinampas nito ang kanyang ulo. Huminto lang ito noong binanggit ko ang pangalan nito.

“Pierre” saka tumingin ako sa kanya. Inayos nito ang kanyang sarili, ang kanyang buhok na kanina ay tayong –tayo ay inayos nito.

“I’m Sorry” biglang sabi ko.

“You don’t need to say sorry. Ako naman ang may gusto diba? Gusto kita Adrienne! Sana naman…”

“Sige!” out of nowhere yun ang sinabe ko sa kanya. Siguro it’s time for me to face my life. Na harapin naman yung ibinibigay sa aking biyaya ni lord. All of my life, umaasa ako na mamahalin ako ni Karlo. At alam ko naman na mahal niya ako, pero gumagawa talaga ang pagkakataon na hindi mangyari yun. Nagka-amnesia siya noong panahon na aamin na siya sa totoong nararamdaman niya sa akin. Nakakainis, masyado akong nasaktan. Masyado na naman akong umaasa. Pero parang may bumabatok sa kabilang utak ko na may isa pang taong lubhang nagmamahal sa akin. At ito nga ay si Pierre Jackson Saavedra.

“What?” gulat na sabi nito.

“Oo, I’ll give you a chance” mahinang sabi ko. saka ko kinuha ang bag ko’t naglakad palayo. At dahil sa may kakulitan itong si Pierre ay sinundan parin ako nito.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon