#ENTRY 33

2.5K 18 5
                                        

KUMUSTA KRAS MO?

#ENTRY 33

“kung mahal mo ang isang tao, hinding hindi mo sya sasaktan, mas mabuti pang ikaw na ang masaktan kesa sa masaktan mo pa sya kasi kung tunay mong mahal ang taong iyon, magpaparaya ka at hindi mo sya ikukulong sa isang relasyong hinding hindi naman magiging sa iyo at totoo.”

……………………………..

ADRIENNE’S POV

Na-excite tuloy ako sa susunod na ikwekwento ni tita, kaso may pasok pa kasi bukas eh hays, infairness to their lovestory ang culet. Cute na makulit, parang ang siste eh pinikot ni tita france si tito carl para maging boyfriend nya at worst eh maging asawa nito. Pero kung ganun eh bakit naging ganun yung relationship nila? Bakit nasira? Bakit naging broken family sila? Anyare? Kelangan ko pa bang malaman? O pababayaan ko nalang?. Hays

May kumatok sa pintuan ko.

“sino yan?”

“karlo ito” huh? Gabi na? pero gising parin itong mokong na ito. Oo nga pala halos sabay lang kaming dalawang umakyat pagkatapos akong kwentuhan ni tita about tito carl.

“pasok” sabi ko umayos ako ng upo sa may harapan ng laptop ko, I was reviewing o diba? Nagrereview na ako, at wala akong pakialam sa mga sasabihin nyo, nag-aaral ako for myself at hindi sa iba.

“anong kelangan mo?”

“ikaw?”

“eh…ano nga leche nagrereview ako”

“anong nirereview mo?”

“kung paano kita papatayin, may mga plano na kasi ako eh gusto mong malaman? Finafinalize ko na kasi eh” yung mata ko ay nang-gagalaiti sa inis kasi naman hanggang sa pagtulog ko eh gagaguhin parin ako nitong unggoy na ito hays.

Umupo sya sa tabi ko.

“hoy sinong nagsabing pwedeng kang tumabi sa akin? Ah?” anggal ko pa sa kanya, pero sa totoo lang kinikilig ako, wew.

“sus, ang arte mo”

“ano nga kasing kelangan mo?”

“mangungutang sana ako”

“huh? Ng pera?”

“hindi ng halik pwede ba? Ibabalik ko lang mamaya, hindi kasi ako makatulog eh” pagkatapos nyang magsalita eh kaagad ko syang hinampas ng notebook na nasa harapan ko.

“arayyyy. Napaka mo talaga, inaasar ka lang eh masakit yun ah” hinawakan nya yung ulong nyang kakahampas ko palang napalakas ko ata ng hampas bahala sya inis talaga ako sa kanya.

“oo masakit, kung gusto mong iburol bukas umayos ka ah? Geezzzz” nagtutunugan na yung mga ngipin ko sa inis hays.

“kung wala kang magandang sasabihin eh, umalis ka na matutulog na ako”

“anong sinabe sa iyo ni mommy?” biglang huminahon yung boses ni karlo. Mahina, mahinahon, nakatitig ito sa sahig at unti-unti nitong inangat ang ulo nya at tumingin sa akin. Yung mga ngiti nito ay pilit, inaatay yun isasagot ko sa tanong nya.

“marami syang sinabe, ano bang gusto mong malaman?”

“yung tungkol sa daddy ko?” sa pangalawang pagkakataon eh ngayon ko lang ulit syang nakitang seryoso, yung una eh medyo masama pa yung scenes na yun, yun eh yung nag-aaway kaming dalawa. Yung inakala ko na inaagaw nya yung parents ko sa akin, yung atensyon nila sa akin pero maling mali pala ako, masyado lang akong madamot. Eh nakalimutan kong parents ko sila at kahit na dumating pa ang maraming tao, eh ako at ako parin ang mahal na mahal nila.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon