#TGFY 2

1K 12 5
                                    

THE GIRL FROM YESTERDAY

A/N: Unang una gusto kong magpasalamat sa taong ito na walang ginawa kundi ang suportahan ang lahat na ata ng mga kwentong ginagawa ko. at ngayon na hook narin sya sa kwento ni Adrienne at karlo at isa narin sya sa member ng #Anti-karlo-deads. hahaha maraming salamat sa walang sawang pagbibigay ng kumento. 

iloveyouna.

@WinwinWattpad

xxooxx

WAckymervin

#TGFY 2

“Masarap sanang Masaya kung yung taong gusto mo ay gusto ka rin, pero paano kung alam mong gusto ka nya pero tinatago nya lang? magiging Masaya ka pa kaya?”

-Karlo

………………………….

Adrienne’s POV

Kinaumagahan ay hinatid na ako ni Bench sa bahay namin. Halatang halata yung pag-aalala sa mukha ni mommy noong Makita ako nito sa harapan ng aming bahay. Kaagad itong lumabas at hinagkan ako ng kay higpit.

“Wag na wag mo ng gagawin yun ulit ah?” habang yakap yakap ako nito ay nasilayan ko naman sa likod ni mommy si karlo. Na nakatingin sa akin ng oras na iyon, pero kaagad itong pumasok sa loob ng bahay nila, ni hindi man lang pinansin o nilapitan yung kaibigan nyang si Bench na nasa labas din ng minutong iyon.

Nagpasalamat pa ng ilang ulit si mommy sa kagandahang asal na ginawa ni Bench raw sa akin. At nagpa-salamat din ako kay bench ng oras na iyon pero.

“mapapasalamatan mo lang ako, if you do a favor with me”

“at ano naman yun?” pagtataka ko pa. I raise my eye brow, sa sinabe nyang iyon.

“Makipag-date ka sa akin” nakangiti pang sabi nito. Ang lakas talaga ng loob ng lalakeng ito. Tinitake advantage nya yung ginawa nyang pagtulong sa akin para lang makadate ako nito. At ano bang trip nito sa dami-rami ng pwede nyang yayain na maka-date eh ako pa.

Hinila ko pa palayo si Bench sa mommy ko, doon kami sa likod ng kotse nito.

“Hoy ano yung sinabe mo?”

“Go on a date with me” ulit pa nitong sabi sa akin.

“Huh? Anong trip to bench?” I raise my voice, para takutin sya pero wala ata sa bokubularyo nya yung matakot eh?.  As I deeply sigh to say yes.

Oo pumayag ako. At hindi ko alam kung bakit rin ako pumayag. Pero siguro I need to do this para lang tumigil sya. At ano naman? Date lang naman eh, then after that strangers ulit kaming dalawa tama ba bench?,

………………………….

Sa school. First subject was English.

All the eyes was on me. Noong pumasok akong late sa subject ni teacher Sef.

“You’re late” sabi pa nito sa akin.

Yumuko lang ako. Then I say sorry saka ako pinaupo nito sa aking upuan.imbis na umupo ako sa tabi ni karlo na kung saan talaga ako nakaupo ay umupo ako sa tabi ni Timothy.

“Uy first time ma-late? Anong nangyari?” excited na tanong ni Tim sa akin. Yung mga mata nyang nagtatanong at excited malaman kung bakit ako nalate at gaya ng sinabe nya it’s my first time na malate sa first subject. Hindi pa ako nale-late ever since this is so first time.

“it’s none of your business” sa pagsabi kong yun ay napansin kami ni Teacher Sef na nag-uusap. At pinatayo nya kami at pinalabas. Ganyan sya ka-strick.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon