KUMUSTA KRAS MO?
A/N: sa mga nadisapoint sa inasal ni Karlo. ok lang yan. hindi ko babaguhin yung desisyon ko. nga pala may mga papasok at magpapagulo sa kwento ko at wala lang gusto ko lang kayong iligaw ahha.
si ARISTOTLE "AYRIS" GO ang half Chinese na Girlfriend Kuno ni Karlo. pero sa totoo lang eh they need to act like that for karlo's plan.
TIMOTHY " TIM" CHRISTIAN THOMPSON, ang makapal ang mukha. manloloko, heartbreaker at baliw na bagong kaibigan ni Adrienne na tutulong sa kanya para maibalik sa piling ng kanyang kaibigan ang kasintahan nito.
magiging magulo? pero magiging masaya. hala basahin na.
thankyou for you continuing support guys i love you all.
xoxo
wackymervin.
#ENTRY 59
“Kung mahal ka ng isang tao, hahabulin ka nito kahit na ang layo-layo mo na sa kanya, kahit na magkabilang mundo pa ang pagitan nyo tatakbuhin nya ito, lalabanan nya ito, hahamakin nya ito para lang sa iyo dahil mahal ka nya”
…………………………..
Adrienne’s POV
First day ko sa Hamilton High. Nasa pilot section ako at hindi ko alam kung bakit ako nandito. Wala akong kinakausap ni isa sa mga bagong classmates ko. Ayaw kong makipag-plastikan sa kanila na magiging ok ang lahat. Na magiging maging magkaibigan kaagad kaming lahat ng ganun ganun. At marami pa akong pinoproblema unang una na dito ay si karlo.
Yung marinig ko mismo sa bibig ni karlo na hindi na nya ako mahal?.
Agad agad? Nung isang linggo lang ay sumuko na sya pero ngayon may kapalit na kaagad ako? Ang bilis naman, ang bilis naman nya akong napalitan.
Bakit parang ang bilis ng mga pangyayari?. Ang tagal ko syang pinangarap na makasama pero parang sa isang kirap lang ng mata ko ay wala na kaagad sya?.
Ayaw na ba talaga nya?. Bakit kasi ang bilis nyang sumuko? Bakit hindi sya kumapit?. Humawak sa pangako nya?. Pero ako itong tangang umaasa parin na magiging ok parin ang lahat.
Kasi parang ang hirap na maniwala isang araw ay hindi ko na sya pwedeng malapitan at makasama.
Kasi kapiling na sya ng ibang tao.
Paalam na ba ito?.
Ito na ba yung ending ng lovestory naming dalawa?. Yung ako yung masasaktan samantala sya parang wala lang?. iniwanan nya ako ng isang tanong na hindi ko malaman kung anong sagot.
Makasalanan ba ako?. At kung meron man sana sabihin mo.
May pagkukulang ba ako?, kung meron man sabihin mo ng maibigay ko pero kasi parang naibigay ko na ang lahat.
Sinungaling akong tao noong una. Oo alam ko na matagal ko ng tinatago sa iyo na may gusto ako, pero noong una pa lang naman eh gustong gusto na kita. At alam ko sa sarili ko na balang araw mamahalin kita.
Kung ito man ang huli. Hindi ako nagsisisi na nakita kita sa may soccerfield.
Na sinipa mo ako ng bola. Na sinabihan mo ako “Edi mamatay sya”.
Na tinitigan mo ako doon sa loob ng clinic kahit na maraming tao.
Na binayaran mo yung bill ko sa 7Eleven.
Na tinulungan mo akong buksan yung pintuan at hanggang ngayon ay nagtataka ako kung paano mo nalaman yung password sa pintuan ng bahay namin.
Yung unang pag-aaway natin at nasundan pa ng pangalawa, pangatlo at marami pang pag-aaway pero sa huli ok parin tayo. Hindi man tayo magkaibigan, pero ok na ok tayong dalawa.
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)