THE GIRL FROM YESTERDAY
#TGFY 31
“Kapag ang tao ay lumapit sa iyo. Hinihingi ang patawad mo. Patawarin mo at kalimutan na ang lahat lahat. Dahil kung tunay mong mahal ang taong ito. Kahit na masakit, ay kakayanin mo. Mahal mo eh”
………………
Adrienne’s POV
Nagawan ko na ng paraan yung problema ko sa tunay kong pagkatao. Sa daddy ko, naayos ko na ang lahat sa aking pamilya. Masaya akong nakikitang muling magkasama sila mommy at daddy jayson. Na para bang hindi sila annulled. They are still friends, they can do whatever they want. But all the time. Minsan may problema parin sila but the different now was they can handle whatever differences they did. Tapos ko naring kausapin si Bench at nilinaw ko na ang lahat sa kanya, na wala na talaga ako kahit konting natitirang pagtingin sa kanya kundi poot at galit, pero atleast ngayon kahit papaano ay nawawala na dahil sa hindi ko sya nakikita o naririnig man lang yung pangalan nya. Pero alam kong naging unfair din naman ako sa kanya. Hindi rin kasi ako naging loyal na girlfriend sa kanya. Kahit na kaming dalawa ay ang isipan ko parin ay nasa iba. Na kay karlo. Oo nga pala? Ano na kayang balita sa mokong na iyon?. Balita kasi sa akin ni mommy na walang tao sa bahay nila 2 weeks na raw. Kaya after two week ay tinawagan ko itong si Yats.
At mabuti naman after few minutes na pag-aantay na pag-dial ng number nya ng paulit-ulit ay sinagot na rin nya yung tawag ko.
“Oh? Napatawag ka?” boses ni karlo na halatang nagulat sa biglang pagtawag ko sa kanya.
“Hindi ka man lang nagpakita sa akin. Nakalabas na ako ng hospital lahat-lahat tapos hindi mo man lang ako dinalaw” pagpapakonsensya ko pa kuno sa kanya. Pero sa totoo lang alam kong nandoon sya at gusto nya akong makita pero hindi pa nga ako ready na makakita ng ibang tao. Lalong lalo na si Bench o karlo.
“I’m sorry” mahinang boses nya.
“Uhm. Okay lang yun. Nga pala asan ka ngayon, mukhang tinataguan mo ako ah?” sabi ko sa kanya.
Pero nagulat ako sa sinagot nya.
“Oo” mahina muli nitong sagot.
“huh? Seryoso?” pero hindi sya sumagot.
“Are you still there?” tanong ko.
“Yeah, Sorry wala ako sa mood ngayon”
“Uhm Sorry ah?. Hindi ko kasi alam. Nakaka-istorbo na ba ako?” medyo sacastiko kong sagot kay Karlo.
“No hindi ganun. Masama lang talaga ang timpla ko nitong mga nakaraang araw”
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)