KUMUSTA KRAS MO?
#ENTRY 17
After that first kiss. Hindi na ako nakatulog ng gabing iyon. As in hindi literal akong hindi nakatulog, leche kasi itong si karlo. Bakit ba kasi nya ako hinalikan?. Eh hindi ko naman sya matanong kung totoo ba yun o laro lang?. at sana wag laro sana totoo nalang, hmmm bakit? Hindi ko alam, hindi ko rin maintindihan. Basta sana hindi nya ako pinag-lalaruan. Kundi kokotongan ko talaga sya sa balunbalunan nya. Tsk.
“magandang umaga Apem.” Nakangitin bati sa akin ni Karlo, anong problema nito? Bakit parang may iba akong nararamdaman sa kanya?. May sakit ba sya? O baka naman sinapian sya ng kung ano?. Hala? Bakit parang ang bait bait ng aura nya ngayon?. At isa pa binati nya pa ako ng kaaga-aga?.
Pero hindi ko sya pinansin. Kaagad akong umupo sa dinning at nagsimula ng kumain. Pasulyap sulyap ako kay karlo, pero tumitingin din ito. Kaya ako na yung umiiwas.
At pagkatapos naming kumain ay…. “ako na ang magbi-bitbit ng bag mo Apem” huh? Nakadrugs ba sya?. Anong problema ng lalakeng ito?. Bakit parang napaka-gentleman naman nya ngayon?. O ngayon lang ito?.
“kaya kong dalhin ang bag ko. May kamay ako, hindi pa ako pilay o baldado, saka na lang” pero nagulat ako noong kinuha nya ito at wala na akong nagawa kundi sundan nalang sya sa kotse.
Hanggang sa loob ng kotse ay weird parin si karlo. Habang nagbabasa ako ng mga status sa facebook ko eh. Napapansin kong nakatitig si karlo sa akin. At kapag tinitingnan ko naman sya ay umiiwas ito tapos ngingiti.
Nakakairita syaaaaaaaaaaaaaaaa.. bakit ba sya ganito sa akin?. Hindi ko sya maintindihan.
At noong nakarating na kami sa harapan ng school. Ay niyaya na naman ako ni karlo na ako na ang magbitbit ng gamit ko.
“ako na apem, baka kasi mabigatan ka pa eh.”
“oo matagal ng mabigat ang laman ng bag ko. Lahat kasi ng gamit sa bahay nandito, tsk ano bang problema mo at umaarte ka ng ganyan?” hindi ko na talaga kinaya at pumutok na ako, sumabog na ako. Parang yung bombing itinatago ng north korea para sa mga kalaban nila yun naging ganoon ako ng oras na iyon.
“bakit? Ano bang mali sa ginagawa ko?”
Aba? At nagtanong pa kung anong mali?. Yung pagiging baliw mo yun ang mali. Adik.
“yan. Yang pagiging weird mo. Alam ko na weird kang tao, wala na akong magagawa doon, Kinakausap mo yung sarili mo, nagbabasa ka ng mga librong hindi ko naman maintindihan, tapos kumakain ka mag-isa, may fans ka nga pero wala ka namang kaibigan. Yung totoo alien ka?”
“hehehehe” tumawa lang sya. At nakuha pa talaga nyang tumawa. Nakakairita sya grrrr. Kumukulo na yung dugo ko sa kanya. Inabot na yung boiling point nito at isang point nalang sasabog na muli ako.
“anong nakakatawa?”
“nakakatawa ka kasi”
“huh? Ako nakakatawa?. Karlo walang nakakatawa dito, baliw ka dyan ka na nga” tumalikod ako at hindi na sya pinansin. Kapag mas pinansin ko pa ang kabaliwan nya eh masisira lang ang araw ko. Tsk
Pero nagulat ako noong hinawakan ni karlo yung kamay ko pagkatapos kong tumalikod. At dahil doon ay napaharap ulit ako.
By this time, sobrang lapit na namin sa isa’t isa. Napatingala ako sa kanya. Matangkad kasi sya nakatingin ako sa mga mata nya at siguro ganun din sya. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko, feeling ko gusto na nitong makawala sa loob ng katawan ko. Please wag muna mahihimatay na naman ako nito eh.
“naalala mo ba ito?”
Dug dug dug dug. Shet wait lang ah? Parang ganito yung nangyari kagabi. Shet hindi kaya dahil doon kaya nagkakaganito si karlo?. Hmmm naiinlove na sya sa akin?. Ayan ka na naman apem masyado ka na namang assuming.

BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)