KUMUSTA KRAS MO?
ISINULAT NI : mERVIN CANTA
Kapag ba Kras Mo? Mahal mo na kaagad? Hindi ba pwedeng kras lang muna? Bata pa eh.
Introduction
Ako nga pala si Adrienne Paola Eris Marie Hernandez Gonzaga. In short APEM. Pero mas feel kong tawagin akong Adrienne, medyo boyish, astigin at kakaiba diba? At ikikwento ko sa iniyo yung unang lalakeng siya nagpatibok sa puso kung bato. Charot! Sa puso kong sing lambot ng mamom. Hmmm, sarap! Pero paano nga ba ako nagkagusto sa kaniya?
5'8 ang Height – Check
Makinis ang mukha- Check
Hazel eyes- Check
Muscular and Atheletic- Check
Sexy- Check (Yummy)
Pero hindi lahat ng mga bagay ibinigay sa kaniya ni lord. Katulad nang Pasensiya. Kulang siya sa pasensiya, mainitin ang ulo at higit sa lahat bully din siya. Yeah! Pero kras ko parin siya. I mean, I find him cute, everytime I see him acting like bitch. Haha ewan, baliw lang talaga ako sa kaniya. Pero, may mga bagay talaga sa mundo na hindi mo makukuha. O kung makukuha mo man, medyo matatagalan, it takes time. At kung andiyan na siya, may mga darating naman na problema. At kapag nagkaproblema, yung pinapangarap mo ay mawawala na muli sa iyo.
-----
Sa isang Soccerfield, sa aming paaralan. Ang Summitville Academy, naglalaro ang kras kong si Karlo kasama nito ang mga kaibigan at mga kagrupo nito sa isports na siya paboritong-paborito nito. Noon pa man gustong-gusto ko na siya. Ano bang kasi ang nag-udyok sa akin para magustuhan ko ang isang katulad niya, eh ang init-init lagi nang ulo. Daig pa ang babae kapag niregla kapag uminit ang ulo nito. Mukhang araw-araw ata siya dinadatnan ng period. Idagdag mo pa ang pagiging bully niya. Natutuwa siya may nasasaktang ibang tao. Ito pa ah? May isang beses pang halos magpakamatay na yung lalake dahil sa sobrang pambubully nito kasama ng mga kaibigan niya, at ang ginawa pa nila ay tawanan lang ito. Ang kinalabasan ay, lumipat nalang ng ibang paaralan yung bata. Nakakaawa talaga siya.
Nakatingin parin ako sa gwapong mukha ni Karlo. Kahit na kasi ang sama-sama ng ugali niya, hindi mo makikita sa mukha nito na may masama siya gagawin sa iyo, yung mga mata niya nag-kukulay brown kapag nasisilayan ng araw, tapos yung labi niya na ang sarap halikan dahil sa kulay Cherry kahit na hindi naman ito gumagamit ng lipstick o lips-shinner man lang para gumanda, natural kumbaga. At idagdag mo pa yung pagiging masculado niya, bigla-bigla ka nalang mabubusog, dahil sa abs palang niya ulam na. idagdag mo pa yung...yung...yung...hey watch out! rinig ko sigaw ng isang lalake sa aking likuran.
"Buhay pa ba?" nahihilo parin ako, pero hindi ko maimulat ang mga mata ko. Mukhang nakahiga ata ako sa isang bagay na medyo matigas. Hindi ko maigalaw ang katawan ko.
"Mukhang buhay pa, humihinga pa eh" nakuha pa nilang mag-usap sa harapan ko, baka gusto niyo akong tulungan?
"Hala ka Karlo, uy imouth-to-mouth resuscitation mo siya, baka kelangan niya nang hangin" huh? Tama ba ang narinig ko? Nasa harapan ko si Kras? Kahit na masakit ay pinilit kong imulat ang mga mata kong medyo nahihilo parin ata?
0_- yung kaliwa muna, medyo maliit lang ang na-aninag ko, pero tama ang hinala ko. Nasa harapan ko nga si Kras.
"Kung Mamatay siya, edi Mamatay na siya. Kasalanan niya yan. Hindi tambayan ang soccerfield area, nakita na nga niya may nagpapractice dito, dito niya pa nakuhang tumambay. Tsk! Nakakasira nang araw!" tama ba ang mga narinig ko? Maraming beses ko na siya narinig na magsalita nang ganun sa ibang tao. Pero this is the first time na sobrang tagos hanggang sa balun-balunan ko ang sakit nang mga sinabe niya. It's hurts you know. Sobrang sakit.
![](https://img.wattpad.com/cover/7759787-288-k329471.jpg)
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)