#ENTRY 69

1.4K 23 21
                                    

KUMUSTA KRAS MO?

#ENTRY 69

“Ayoko sanang sabihin sayo, pero yung pag-kakataon na ang gumagawa ng paraan para malaman mo. Patawarin mo nasa ako”

-Karlo

…………………………………..

Adrienne’s POV

May gumalaw ng katawan ko. Nakatulog na pala ako pagkatapos kong magdasal. Kainis naman itong si Imee bigla nalang nawala ni hindi man lang ako ginising nito. Napalingon ako doon sa taong nag-gising sa akin. At ito ay ang mommy ko.

Kaagad ko syang niyakap, niyakap ng mahigpit.

“ma, si Karlo” sabi ko pa sa kanya pero hindi nagsalita si mommy.

“ma, may sakit sa puso si karlo”

“alam naming” sabi pa ni mommy sa akin. At kinagulat ko ito. Paano nilang alam na may sakit sa puso si karlo? At bakit hindi nila sinabe sa akin ito.

“huh?” pagtataka ko pa. itinulak ko pa palayo sa akin si mama. At nagsimula ng tumaas ang boses ko.

“alam nyo na?, paano. Kelan pa?” singhal ko pa sa kanila ni daddy.

“Can you please calm down Adrienne” utos pa sa akin ni daddy.

“Calm down, paano ako magiging kalmado? Kung sariling pamilya ko may tinatago sa akin. Ano? Ano pa bang hindi ko alam, sabihin nyo na dahil hindi ko na talaga kinakaya ito”

Lumuhod na ako sa harapan nila at nag-mamakaawa na sabihin na nila yung mga bagay na hindi ko pa alam tungkol sa karamdaman ni Karlo.

Nakita ko na nasa likod pa nila si Bench. Naawa sa nangyayari sa akin. Alam ko na ayaw na ayaw nya na nakikita ako ganito. Na nahihirapan, na umiiyak, na sobrang nasasaktan.

Pero I really need to know the real truth. Everything kahit na masakit gusto ko lang marinig.

“kelan pa?” sigaw ko pa ulit sa kanila.

“Last week lang, last week lang, noong lumapit sa amin si Franz at sinabe ang kalagayan ni karlo. That time, we realize na sobra na yung pag-hihirap na pinaranas namin sa inyong dalawa. Na pati yung sakit ni Karlo ay mas lalong lumulubha dahil sa mga nangyayari.”

Lumapit pa sa akin ni mommy at hinaplos ang buhok ko. Tumutulo na rin yung luha ni mommy ng mga minutong iyon.

Tulala parin ako habang sinasabe ito sa akin ni mommy. Yung mga bagay na hindi ko alam tungkol sa kalagayan ni Karlo. Na maski si karlo ay tinatago sa akin ng matagal na pala.

“May iba pa bang nakakaalam?” tanong ko.

“si Bench, alam na pati yung ibang mga kaibigan nyo alam na ang kalagayan ni Karlo” sabi pa ni mommy na garalgal ang boses.

“so….ako nalang pala ang hindi nakakaalam?”

…so ako nalang pala ang tanga?. Ginawa nyo akong tanga.  Bakit nyo ginawa ito sa akin?. Bakit nyo itinago”

“hindi namin gustong itago. Sasabihin naman namin sayo eh, kapag nakabalik ka na sa doon sa atin galing sa masayang trip nyo ni karlo”

“pero mommy. The fact na itinago nyo sa akin, na nagsinungaling kayo sa akin. Masakit yun. Niloko nyo ako”

Pero sinampal ako ni mommy. That time sobra akong napatitig sa kanya. Sa ginawa nya. Hinila pa sya palayo sa akin ni daddy at pati si bench ay umawat na sa ginawa ni mommy at itinayo pa ako nito.

First time akong nasaktan ng mommy ko.

Sa kauna-unahan pinagbuhatan nya ako ng kamay.

Saka na ako bumigay. Umiyak na ako ng umiyak

“karlooooooooooooooooooo huhuhu” tinatawag ko yung pangalan ni karlo habang umiiyak. Gustong gusto ko na sya Makita. Kung pwede lang eh pumunta ako doon sa operating room at sampalin sya para magising sya. Pero parang napaka-imposible ng gagawin kong iyon.

“yan…yang ang dahilan kung bakit hindi muna namin sinabe sayo. Magugulat ka anak. Magta-taka, iiyak, magtatanong. Anak naman mahal na mahal ka namin, kaya please wag mo namang pahirapan ang sarili mo ng ganito”

Tumayo ako. At itinulak si Bench saka tumakbo palayo sa mga taong sinungalin na ito.

Umabot ang pagtakbo ko sa rooftop ng hospital.

Iyak ng iyak. Pero ano pa bang magagawa ng iyak ko kung nakadesisyon na ang dyos sa gagawin nya kay karlo?.

Mamamatay na si karlo?. Ito na yung kinakatakutan ko.

Mangyayari na yung panaginip ko. Nakatitig ako sa ibaba ng building na ito. Napaka-taas ng building na ito. Yung paa ko ay unti-unting gumagalaw pa-akyat sa isang bloke ng simento sa may gilid ng rooftop. Nakatitig parin ang mga mata kong pagod na sobrang kakaiyak.

Kung mamamatay rin lang naman si karlo eh wala na rin saysay ang buhay ko.

Susunod nalang ako sa iyo mahal ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko, dalawang paa ko na ang nakatungtung sa taas ng rooftop ng hospital na ito.

At sumabay ang katawan ko sa galaw ng hangin ng oras na iyon.

"kapag namatay ka, mamatay narin ang puso ko. pero hindi ang pag-ibig ko na-a abot hanggang langit. kung saan tayo ay muling magsasama at magiging masaya"

Mahal na mahal kita karlo.

 :"(

……………………………………..

Itutuloy.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon