The Girl From Yesterday (kumusta kras mo Book2)

1.2K 9 0
                                    

THE GIRL FROM YESTERDAY

 

#INTRODUCTION

“Minsan lang dadating sa buhay ng isang lalake ang TAMANG BABAE na magmamahal at iintindi sa inyo. Kaya kung nakita mo na yung taong yun. tingin mong para sayo, wag mong saktan, wag mong hayaang mawala ng tuluyan. Kasi sigurado ako. WALA KA NG MAKIKITANG GANYAN”

Karlo’s POV

Nagmahal ako. Pero patago, inamin ko sa kanya pero hindi naman nya tinanggap yung damdamin ko na sobrang matagal ko ng itinago sa kanya.

Nasasaktan sya sa twing sinasabe kong gusto ko sya.

Hindi nya maintindihan, Kung bakit ko sinasabe ko yung mga salitang iyon sa harapan nya.

Paano nga ba ako nahulog sa kanya?. Yes it’s not easy to fall in love to someone who really close to you. Mahirap mafall in love sa bestfriend mo. Kapag in relationship ka ng mga panahon na iyon.

Oo I admit. Niloloko ko lang si Trixie. Hindi ko naman talaga sya gusto, dahil lang sa isang pustahan kayak o sya naging girlfriend at malaking kasalanan kung lolokohin ko yung sarili ko na magiging Masaya ako sa isang tao, na walang ginawa kundi mahalin nito ang sarili nya. At higit sa lahat ang kasikatan nya na hindi naman nya madadala sa langit.

Nasa loob ako ng aking kwarto. Nakatingin sa sa kung saan sulok at gilid ng aking malaking kwarto. Ng biglang mapahinto ang mata ko sa direksyon na kung saan ay magkasama kami ni Adrienne sa iisang Litrato.

Tumayo ako at lumapit doon sa table na kung saan ka-display yung childhood pictures namin ni Adrienne.

Adrienne is my Childhood friend. Ever since noong bata pa kami ay kaming dalawa lang ang laging magkasama. Hindi ko nga alam kung bakit ayaw kong lumabas kapag hindi si Adrienne yung karalo ko. At ayaw kong pumasok sa isang school na hindi si Adrienne ang classmates ko.

Buong buhay ko si Adrienne ang kasama ko.

Napangiti pa ako noong hinawakan ko na ito. Yung picture naming dalawa, nakasimangot ako samantala, masayang Masaya ang mukha at masigla si Adrienne sa litratong iyon.

“Did you miss her?” lumapit si mommy at hinawakan ako sa aking balikat habang ang kaliwang kamay nito ay hinawakan naman ang litrato naming dalawa ni Adrienne.

“Mom” I sigh, at pinipilit kong ngumiti sa kanya pero malaki talaga ang problema naming dalawa ngayon.

“Malapit lang ang bahay ni Apem, dyan lang sa tabi natin. Nakikita mo naman sya sa school, mag ka-classmates pa kayo, bakit ba hindi kayo makapag-usap?. Kung ano man yung problemang dinaranas nyo ngayon, I’m sure maayos nyo yan. Para saan pa ang pagiging mag-bestfriends nyong dalawa?”

Ginulo pa ni mommy yung buhok ko. Habang nakangiting sinasabe yung katagang sinabe nya.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon