THE GIRL FROM YESTERDAY
#TGFY 33
“Ang hirap magpanggap na para bang wala lang, na para bang hindi ako nasasaktan, ang hirap. Ang sakit”
…….
Adrienne’s POV
Nakatingin lang si Karlo sa akin. Wala pa itong masabi sa aming lahat, sabi ng doctor pwede na raw siyang umuwi dahil okay na raw ang mga bali na natamo nito sa pagkakabangga ng kanyang kotse noong nakaraang dalawang linggo. Pero yung kakaibang titig ni Karlo ay siyang nakakapagbigay ng isang malaking tanong sa akin. Sana maalala niya ako. Sabi ko pa sa sarili ko.
Inalalayan siya ni tita france, at noong muntikan na siyang matumba ay kaagad akong lumapit upang tulungan siya. Ngumiti lang sa akin ito at saka ko inalis ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanyang kamay. Nakita ni tita france ang pagka-dismaya ko sa inasal ni Karlo. Kelangan pa raw ni Karlo ng ilan pang theraphy para mas lalong bumalik na ang lakas ng katawan nito. At syempre kelangan din nitong bumalik sa hospital para sa check-ups sa sakit nitong Amnesia.
Nakarating na kami sa bahay nila noong iniwan kaming dalawa ni tita france at ni mommy sa kwarto ni karlo. Inihiga ko na si karlo sa higaan nito. Paikot-ikot lang ang mga mata nito, na para bang bago sa kanya ang lahat.saka huminto ang pagtingin niya sa akin.
“Sino ka?” isang tanong na nakakatawa, at isang tanong nakakaiyak. Hindi talaga ako natatandaan ni karlo. Sa totoo lang dapat nga na masaktan si tita france o si tito karl dahil sa hindi rin sila nito matandaan pero bakit parang mas nasasaktan pa ako kesa sa kanila?
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya, kaya inalis ko nalang yung pagtingin sa kanya at binaling sa ibang lugar ng kwartong iyon.
“Kasi hindi kita matandaan, wala akong matandaa. Sorry ah? Ang boring ko bang kasama?, hindi ka kasi nagsasalita diyan eh. Kanina ka pa hindi nasasalita. Pipe ka ba?” natatawa nitong tanong sa akin. Kahit na nawala ang ala-ala nito, ay hindi parin nawala ang pagiging kwela nito, nakakatuwa naman, kahit papaano ay manaiwan parin ugali si karlo noon at ngayon.
“Ako si….” Sasabihin ko ba ang pangalan ko? Syempre! Hindi ka dapat magsinungaling sa akin sa kanya. Kung gusto niyang maalala ka, kelangan mo siyang tulungan.
“Ikaw ba si Sophia?” biglang sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko noong binanggit nito ang pangalan ni Sophia.
Gustong umiling ng ulo pero, hindi ko magawa.
“oh? Hindi ka na naman nakapagsalita? Titignan mo nalang ba ako buong araw?” nakangising sabi niya.
“I’m sorry, uhm hindi kasi ako si Sophia, si Sophia ay….” Hanggang sa nagsalita siyang muli.
“Sinabe kasi sa akin ni mommy, na si Sophia yung girlfriend ko. Sa totoo lang, pangalan niya lang ang una kong natatandaan. So sino ka ba ah? At anong relasyon natin sa isa’t isa?”
Parang may kung anong bagay ang sumaksak sa puso ko ng mintuong iyon. Patulo narin sana yung luha ko pero pinigilan ko. Saka ako humugot ng malalim na hininga sa kung saan.
“Ah? Oo, Kasintahan mo nga si Sophia. Nga pala ako si Adrienne, pero tinatawag mo ako dati na Apem. And we’re bestfriends” sabi ko saka ako tumalikod upang punasan yung luha na hindi ko napigilang tumulo.
“Umiiyak ka ba?” tanong niya sa akin. Bakit kasi ang lakas-lakas ng radar nitong si Karlo at lagi niyang nalalaman kung umiiyak ba ako o hindi.
“Hindi, sorry! Thankful lang kasi ako na okay ka. Sobra akong nagpapasalamat sa Diyos dahil sa okay ka, at natutuwa ako, sobra!” saka punas ulit ng luha ko, then humarap na ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)