#TGFY 35

440 6 2
                                    

THE GIRL FROM YESTERDAY

#TGFY 35

“MASAYA na masakit na nakikitang Masaya siya sa piling ng iba”

……

Sophia’s POV

                Ang plano ko lang na bumalik dito sa pinas kasama ang anak kong si Irish. Ay para sa isang imbitasyon ng kaibigan kong hindi ko mahihindian. Pero noong bumalik ako sa pinas ay iba pala ang mangyayari, kakaibang chapter ng buhay ko na siyang kinakatakutan kong mangyari muli. Ang masaktan muli ang puso ko.

Nasa harapan ko ngayon ang babaeng pinili ni Karlo. Ang dati kong kasintahan, na siyang ama ng anak ko. Sinabe ko pa sa kanya noon kapag lumabas siya ng kwarto ko, ay hindi na niya ako o kahit ang anino ng magiging anak naming dalawa.

Gusto ko man sambunutan ang mahabang buhok ng babaeng ito. Hindi ko magawa, dahil mahal na mahal siya ni karlo at ako? Panakip butas lang ako. Bakit nga ba ako pumayag? Bakit ko piniling maging Masaya siya sa piling ng iba.

At ngayon na may malaki siyang problema lalapita niya ako para sa isang bagay na ayaw na ayaw ko ng mangyari pa. ang makadalumpalad o Makita man lang ang mukha ng lalakeng iyon?

Pero hindi ko maiwasang hindi maging malungkot sa ibinalita sa akin ni Adrienne. May Amnesia raw si Karlo? Hindi nito maalala ang mga bagay o tao sa paligid nito. Pero ang nakakapagtaka, naaalala nito ang pangalan ko? What the heck? Why of all the people around him, bakit ako pa? bakit ako pa yung babaeng sinaktan at iniwan niya? I can’t believe that this is happening right now.

……

Pagkalipas ng ilang araw na pag-iisip. Nakapagdesisyon na ako! Kinuha ko ang cellphone ko at kaagad kong tinext si Adrienne.

“Makikipag-cooperate na ako!” text ko pa sa kanya. Wala akong nakuhang reply na galing sa kanya ng gabing iyon. Pero alam ko na mababasa at mababasa niya ito kinabukasan.

May kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

“Sino yan?” tanong ko sa taong kumatok sa likod ng pintuan ng kwarto ko.

“Mom it’s me Irish!” sagot ng maganda kong anak na si Irish.

Tumayo ako at saka ko binuksan yung pintuan para papasukin sa loob ang anak kong si Irish.

“What’s the problem?” tanong ko sa kanya sabay haplos ko sa mahaba at magandang buhok nito. Sa tuwing tinitignan ko ang mukha ni Irish, hindi ko maiwasang maalala ang daddy niya. 4 years old na ngayon si Irish at alam ko na curios na siya kung bakit wala siyang daddy. Noong nakaraang buwan nga ay nagkaroon ng Family day sa kanilang eskwelahan. Tanging ako lang ang pumunta doon. Binubully siya ng mga classmates niya kung bakit wala raw siyang daddy. At kinagulat ako ang sagot nito sa kanyang mga bulling mga classmates.

Hindi naman raw nito kelangan ng isang daddy, ako lang raw ay sapat na. hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot sa sinabe niya. Ayaw kong magkaroon siya ng hinanakit o galit sa kanyang ama. Ayaw ko na lumaking masama o may sama ng loob itong si Irish sa daddy niya. Kaya ko rin siguro gagawin ito ay para narin sa anak ko. I know that, naghahanap siya ng kalinga ng isang ama, kahit na hindi nito ipakita sa akin ay alam kong hinahanap nito ang kanyang tunay na ama.

“I can’t sleep mom!” sabay yakap nito sa aking bisig. Hinalikan ko ang buhok nito, at niyakap ko rin ito pabalik.

“So what does it mean?” tanong ko sa kanya.

“Can I sleep here?”

“Sabi ko na nga ba eh. Gusto mo lang akong makatabi sa pagtulog. Hmmp!” sabi ko sa kanya saka sabay kaming humiga sa malambot kong kama. The next thing I knew that kaagad na itong nakatulog sa aking bisig, parang noong baby palan siya. Ang cute-cute niya talaga.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon