#ENTRY 11

3.1K 39 5
                                    

A/N: eto na po ata ang pinakamahabang update na ginawa ko sa KKM, hehe thanks po ah? in just 8 days naka 2k na po kaagad tayo. more likes, comment and votes po. at syempre read read din pagmay time.

xoxo

wackymervin :) 

KUMUSTA KRAS MO?

#ENTRY 11

ADRIENNE’S POV

Kalalabas ko palang ng kwarto at bumaba ako para maligo na at maghanda para pumasok sa eskwelahan ng Makita ko na kausap ni karlo si mommy, nagkukulitan pa silang dalawa. Nakita ko na parang nagtatawanan pa sila. Ano kaya ang pinag-uusapan nila?.

Parang sobrang close na nila sa isa’t isa, isang linggo palang si karlo dito pero kung ituring nila mommy at  daddy si karlo ay parang matagal na nila itong kilala.

Lumapit ako sa kanila.

“oh? Hindi ka pa naligo?” tanong ni mommy sa akin.

Pero hindi ko sila pinansin, dumeretso ako sa kusina at binuksan ang ref, kinuha ang tubig at lumagok ng isang baso nito. Habang nakatingin parin sa kanilang dalawa. Tapos lumapit din si daddy.

At nakita ko na parang ang saya-saya nila. Naki-tawa narin si daddy. Ano ba kasi yung topic nila at bakit parang saya-saya nila?. Hmmm bahala kayo.

……………………………….

Sa loob ng kotse, hindi na kami nahatid ni daddy, yung driver nalang ang naghatid sa amin. Magkatabi kami ni karlo, tahimik lang ito at nagbabasa ng libro. Habang ako nagfefacebook.

Tumingin ako sa kanya. Saka nagsalita na sana pero sya itong unang nagsalita.

“nakatingin ka na naman sa akin, may dumi ba ako sa mukha ko?” sarcastikong tanong ito sa akin habang nakangiti sa akin.

“oo ang dumi ng mukha mo, yung buong mukha mo madumi, pati yung ugali mo madumi, lahat sa iyo madumi, nakakadiri ka”

“kaya pala?,” sabay pogi pose yung check sign sa baba nito. Yun raw ang pogi pose.

“itong maruming mukhang ito, itong nakakadiring mukhang ito ang nagustuhan mo, tell me Apem bakit mo ako naging kras?”

Aba ang kapal din naman talaga ng pagmumukha nitong lalakeng ito?.  Napatahimik ako. Kasi nahihiya ako sa sarili ko.

“oh? Di ka na nakapagsalita dyan?. Sus, kinikilig ka na naman dyan”

“hindi ako kinikilig sa iyo adik ka. At isa pa hindi kita kras, sino bang may sabi na kras kita?, at isa pa walang magkakagusto sa iyo dahil sa mabahong ugali mo.”

“ikaw, ikaw ang nagsabi na kras mo ako. At isa pa walang magkakagusto sa akin?” inihinto na ni manong driver ang kotse sa harapan ng school.  Binuksan nito ang windshield

“sila…sila ang may gusto sa akin, at hindi lang ikaw ang may gusto sa akin, kaya ano bang magagawa ko kung minsan hindi kita napapansin sorry ah? Heheheh” sabay bumaba na ang gagong mayabang at ubod ng yabang gago tarantado. Ggggggggggggggggggggggggrrrrrr

“ang yabang mooooooooooooooooooo” nagdadabog ako sa loob ng kotse.

Saka bumaba narin ako ng kotse. Tapos nakita ko si Gravity.

“Apemmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm” sigaw ng bestfriend ko habang papalapit sa akin. Kahit malayo palang amoy na amoy ko na ang mabahong hininga nakakadagdag init ng ulo  lecheng buhay ito.

“kumusta?” tanong pa nya sa akin.

“Please Gravity, wag ka ng magsalita?, kasi marumi na ang kapaligiran natin, dumadagdag ka pa.”

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon