KUMUSTA KRAS MO?
#ENTRY 26
ME AND BENCH at Jollibee.
“anong gagawin natin dito?” aba? Akala ko ba matalino itong si bench? Tapos nasa loob na kami ng Jollibee tapos magtatanong kung anong gagawin?. Adik 0_*?
“ahmmm hoholdapin natin ang store na ito”
“hindi nakakatawa my Princess.”
“joke lang ito naman, syempre kakain tayo dito at treat ko promise…kahit anong gusto mo ako ang magbabayad” akala mo talaga kayang bayaran hehe may utang pa nga akong 2k kay Karlo at hanggang ngayon di ko parin nababayaran, bayaan nyo na iyon hindi na nya siguro naaalala yun. Tsk
“talaga? Lahat? Bakit mo ba ginagawa ito? Eh mag-didinner din naman ako sa bahay eh”
“bakit ayaw mo ba?. Oo alam kong hindi ito kasing sosyal ng kinakain mo, pero kasi ito pa lang ang kayak o eh, wala pa kasi akong matinong trabaho, yung pagiging kargador ko eh hindi kaya pang bayad ng bahay, yung pagiging labandera ko eh pang gatas lang ng bata?. Eh kung nagtatrabaho ka hindi yung hayahay ka lang dyan nakakainis ka naman eh”.
Hala? Anong pinagsasabi ko?.
“You’re so funny talaga my princess, oorder na ako ah, ay wait gusto ko ikaw ang umorder sa akin.”
“eh…bakit ako ang oorder?”
“sige na, I want coke float, large fries, 2pc burgersteak ay mali ultimate burger steak, tapos yung amazing aloha nila, hmmm ano pa ba?”
Napanganga ako sa mga inorder nya. Medyo oo marami yung order nya. Hindi sya gaanong gutom nya, tapos ayaw pa nya ah? Ang lalakeng ito kelangan pang pilitin hays.
“ano pa? meron pa ba?”
“ah?? I want also their spaghetti, just spaghetti only huh, and then add peach mango pie and twirls choco flavor yun lang medyo diet kasi ako eh”.
Pucha. Diet pa yan ah? Ano nalang pala kapag hindi? Isang lechong baboy? Gosh. Nanginginig akong pumila sa counter ng Jollibee.
Hanggang sa nagsalita na yung babaeng counter sa akin,
“masayang araw po sa inyo mam, order po nila?” Masaya? Mukhang hindi ako Masaya miss, wait lang ah?.
Nilista ko yung order ni bench.
2pc burger steak……..atbp.
“yun lang po ba?” sabay lumapit pa si bench. Shet lumapit pa ulit. Mukhang may idadagdag pa ito ah?.
“ahmmm…sundae I want sundae please my princess, miss sundae choco flavor”
Ngumiti nalang ako sa kanya gosh…ang pera ko eh 1k lang malapit na sa 1k yung bill tapos pamasahe ko pa ang sobra dito, ang hirap pala ilibrea ang mayayaman. Hays sa susunod sa turo-turo ko nalang sya ililibre hays.
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Fiksi RemajaKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)