THE GIRL FROM YESTERDAY
#TGFY 27
“Hindi lahat ng mga pinapangarap mo, mapapasayo. Gaya ng kasabihang, hindi lahat ng gusto mo makukuha mo”
…………………………..
Adrienne’s POV
Sunday Morning. Ready na ang lahat, ay mali, hindi pa pala ready ang lahat. Akalain mo ba namang malate magising itong mommy ko. Pagod din kasi ako kahapon dahil last practice namin ng graduation. Kaya ito ni hindi na nga nakapag-prepare si mommy breakfast at wala din akong balak na kumain pa kasi kinakabahan ako sa mga bagay na mangyayari mamaya. Kahit na halos kabisado ko na sa utak ko yung mga gagawin, pero iba parin kasi kung nandun ka na sa oras na iyon. Nakatingin ako kay mommy ng oras na ito, at aligaga talaga ito. And I can’t help myself but to smile. Hinila ko kamay ni mommy, saka ko sya niyakap ng kay higpit.
“Mommy thanks. Thank you for always being there for me. Thank you for always reminding me that study first before anything else, bago yang mga love love love na yan. Salamat sa pagmamahal. Salamat sa pag-aalaga. Promise mas gagalingan ko sa college and I won’t let you down.” then I see my mom na umiiyak. Saka ako niyakap rin ulit nito. sabay kami kapwa nakarinig na may nagdoorbell sa labas ng bahay. I know that, it was karlo. Kinuha ko na yung gamit ko’t saka ako nagpaalam kay mommy. Hindi pa kasi nakakaligo si mommy at malalate na kami kung aantayin ko pa sya. Lumabas ako ng bahay na bitbit yung graduation dress ko at wala pang make up. Doon na ako mag-papamake up kay Imee, magaling naman sya sa mga ganun bagay kahit na nerdy yung friend kong iyon. Eh magaling syang make-up artist at nakikita ko na may kalalagayan sya sa ginagawa nyang ito.
Nasa loob na ako ng kotse nila karlo. Nandoon si tita France at at si tito karl. “Ang Ganda mo Adrienne” bati pa sa akin ni tito karlo saka nagtawanan silang lahat. “Tito Karl naman, wala pa nga akong make-up nito, tapos maganda? Tsk” biro ko pa sa kanya. Napatingin ako kay karlo.
“Oh?. Bakit? Ang gwapo ko ba. Shuu, wag kang masyadong tumingin sa akin. Baka mainlove ka ulit sa akin” biro pa nito. Saka ko sya hinampas ng bahagya. Pero yung totoo eh ang gwapo-gwapo ni karlo ngayon. Habang tumatagal mas gumagawapo
“tigilan mo na nga yang si apem karlo, baka magka-away ulit kayo nyan. Baka umiyak ka na naman” sabi pa ni tita france.
“Mommy. Hindi ako umiiyak” si karlo as he tries not to stare at me, nagbublush yung pisngi nya at namumula yung tenga nya. Halatang nagsisinungaling sya. Hmmm ngayon ko lang nalaman na umiiyak pala itong si karlo. At dahil ito sa akin?. Ooppps! Adrienne tama na. okay na kayo, wag ka ng gumawa ng bagay na magbabalik pa sa dati sa inyong dalawa.
Nakarating na kami sa school, saka na pinarada ni tito karl yung kotse sa parking lot sa may likod. then kaming dalawa ni karlo ay kapwa pumunta sa room naming dalawa para Makita yung ibang classmates at kaibigan namin na excited narin sa araw na iyon.
Nakatingin ako sa mga classmates ko. Ano yung bagay na mamimiss ko sa dito?. Marami. Marami akong mga bagay na mamimiss pagkatapos ng araw na ito. Unang una ay yung hindi nila papapansin sa akin. Yung para bang isa akong anino sa paaralang ito. Yeah kaibigan ako ng isang sikat at gwapo at SSG president na katulad ni Karlo. Pero hanggang doon lang nila ako kilala bilang isang bestfriend. Then nangyari nga yung issue na mas pinili ako ni karlo over Trixie na kung saan ay girlfriend nya, na nalaman ko na niloko lang pala ni Bench dahil sa isang pustahan. Sabay nagbago yung takbo ng buhay ko sa paaralan ito. Parang isang roller coster na paikot-ikot. Malungkot, nakakaiyak. Nakakaexcite, nakakakaba. Nakakatawa, nakakagago at higit sa lahat nakakatakot. Oo natatakot ako na hindi ko na muling maramdaman itong mga ganitong bagay na ito sa kolehiyo dahil sa mag-kakahiwalay na kami ng mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)