KUMUSTA KRAS MO?
#ENTRY 30
KARLO’S POV
Hay salamat at gumaling na kaagad kung katamaran kong pumasok. Hehe actually parang wala naman talaga akong sakit, tinatamad lang talaga akong pumasok. Parang gusto ko munang ipagpahinga yung utak ko kahit isang araw lang at yung kagwapuhan ko kahit nga isang araw lang.
Nakakainis na rin kasi na ang tali-talino mo, tapos lahat eh kelangang itanong sa iyo, pati nga siguro kung paano nagsesex yung uod eh itatanong pa sa iyo, tapos gwapo pa ako, ang hirap noong lagi kang tinitignan ng mga taong hindi mo naman kilala. Tapos may iaabot, malay ko ba kung bomba ito? Malay ko ba kung tae ang laman nito kaya minsan I refuse it.
Sa paglalakad ko papasok sa room marami na namang bumati sa akin, palapit palang ako ng room eh sinalubong na kaagad ako ng mga angels ko. Oo angels ang tawag ko sa kanila kahit na mukha silang ipis, tama si Adrienne their look like ipis, peste sila, nakakairita, sunod ng sunod pati nga siguro yung pag-ihi ko eh alam nila kung kelan ko ginagawa yun ganun sila kaadik sa akin. Ano bang ginawa ko sa kanila at nahumaling sila sa akin ng ganun sobra?.
“kamusta ka na my prince?” hala si ate? Fc? My prince? Tapos ikaw? Ikaw yung frog?
Pinandilatan ko ito ng mata, pero imbis na magalit ito eh kinilig pa ampota.
“shet…pinandilatan ako ng mata ni prince humaygadddddddddddddd….nakakakilig.” see?? Mga baliw sya kasama yung mga kaibigan nya eh sabay sabay silang nagtalunan. These girls are dumb crazy.
Pumasok ako sa loob nanlaki ang mata ko sa nakita ko. May familiar no familiar face akong nakita na nakaupo sa may tabi ng upuan ko. Kasi yung tabi ng upuan ko eh un-occupied, hindi talaga ako pumayag na may umupo doon kasi doon ko nilalagay yung bag ko, away ko sa lapag kasi madudumihan yung bag ko. Yun lang ang dahilan.
Tapos itong babaeng ito eh umupo doon.
Tumingin sya sa akin. At binate ako.
“oh??? It’s you Good morning Karlo” tumayo sya sa kina-uupuan nya at lumapit sa akin, saka ako hinalikan sa pisngi. Narinig kong nag-sigawan yung mga angels ko. Na wari eh parang gusto nilang sugurin itong babaeng ito at sambunutan dahil sa walang patawad nitong ginawa sa akin. Ang halikan ang pisngi ko ng walang paalam.
“How dare you to kiss our prince in his cheek, you bastard girl?” sabi pa ng isang ipis girl kay Trixie. Oo si trixie kung naalala nyo, sya yung inaway or should I say nakipag-away kay Adrienne sa may Gynasium na sa kasawiang palad eh pinsan pala ni Bench.
Ang pinagtataka ko lang eh bakit sya nandito sa loob ng classroom namin. Well dahil sa matalino ako kaagad kong naisip na….classmates ko sya. Kasi nasa loob sya ng classroom hindi naman pwedeng teacher. Tsk
“saan mo ba gusto ko syang halikan? Sa lips?” malanding sabi pa ni trixie doon sa mukhang ipis na babaeng iyon. At itong si Trixie naman ay tuwang tuwa na nakikitang namumula sa galit yung mga ipis angels ko. Haha lagot ka sa kanila.
“try mo lang kung gusto mong maging palaman sa tinapay na kakainin namin mamaya” with their tiger look eh napahinto na si Trixie sa pag-sasalita, at kaagad na akong hinila nito papasok sa loob ng room at pinaupo.
“ano bang problema ng mga babaeng iyon sa akin? Ah? Why they hate me?”
“ang arte mo kasi” sagot ko
“huh? Maarte? Hello? Ako??? Maarte? Hmmmm tama sila, eh kasalanan ko bang maging maganda ako?”
Ako? Kasalanan ko rin bang gwapo ako?.
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)