KUMUSTA KRAS MO?
A/N: SORRY guys. Finale na at on process na yung finale Entry ng kumusta kras mo?, sorry kung madidisapoint kayo pero yun kasi ang gusto ko madisapoint kayo haha char lang. gusto ko kasi may kakaibang twist eh. Hindi nalang ganito…hindi nalang ganun, basta maganda yung katapusan. At kung may mamamatay man na karakter eh. Ipagdasal na lang po natin.
#resinpeace! Haha
Xoxo
Wackymervin.
#ENTRY 56
“No matter how much we try not to, we’ll always hurt the ones we love.”
……………………………………..
Adrienne’s POV
“saan ka galing?” may pulis sa loob ng bahay, worried yung mukha ni mama noong lumapit ito sa akin, tiningnan pa nito kung may sugat o kung may nangyari sa akin masama. sa harap hanggang sa akin likod para syang pulis kung makapagsiyasat sa buo kong katawan kung may galos ba akong nakuha sa pinuntahan ko.
“Saan ka galing?” medyo tumaas ang boses nito, hindi ko alam ang isasagot ko. Pero kanina lang eh alam at handa na ako sa isasagot ko kung tatanungin man ako ni mama tungkol sa kung saan ako nanggaling. pero bigla akong napipi. natutulala at nagulantang sa mga nangyayari.
“ahmmm nag-exercise langggg…aaa.ako” garalgal na boses ko ng oras na iyon.
“nagsisinungaling ka, wala ka sa kwarto mo kanina pang madaling araw at isa pa, kanina pa kami nag-aalala sa iyo saan ka nga galing?”
nagulat ako sa biglang pagsigaw ni mama.
Pinipilit akong paaminin ni mama pero kahit na ayaw kong umamin eh nakapagsalita ako ng…
“kasama ko po si Karlo”. Nakapikit ako nito noong nasabi ko ang mga katagang ito. Biglang huminto sa pagsasalita si mama. Binitawan rin nito ang kamay ko, sabay umalis sa harapan ko ang lumabas ng bahay.
Hinabol ko sya at tama ang hinala ko pupunta ito sa bahay nila Karlo.
“hoyyyyyyyyy lumabas ka dyannnnnnnnn” sigaw pa ni mama sa labas ng gate ng bahay nila Karlo nakakahiya kasi nagsilabasan narin yung mga ibang kapit-bahay namin.
Unang lumabas si Tita Francine.
“anong problema Marie?” tanong pa nito kay mommy. Pero hindi nito kasama si Karlo.
“ilabas mo yung anak mo, gusto ko syang makausap”
Medyo galit na sabi ni Mommy kay Tita Franz
“kung pagagalitan mo lang yung anak ko eh, hindi ko sya ilalabas. Marie kung may problema ka sa anak ko ako ang kausapin mo hindi sya.”
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)