#ENTRY 6

3.4K 35 9
                                    

KUMUSTA KRAS MO?

#ENTRY 6

 

“Anong kelangan mo? Karlo.” GOSH for the first time tinawag ko rin sya sa pangalan nya. At alam ko na ang pangalan nya.

“pwede ba wag mo akong tawagin na para bang close tayo” hala sya? May regla ulit?. Ano bang masama kapag tinatawag ko sya sa pangalan nya?. Anong gusto nyang itawag ko sa kanya?. Kras parin? Gayong alam ko na ang pangalan nya? Hala sya.

“eh bakit ako? Tinatawag mo sa pangalan ko?. Unfair yun ah.” Ayun bumawi tuloy ako. Haha

“wala akong pakialam. Ilibre mo ako ng lunch.” Huh? Si kras? Ililibre ko ng lunch?. Hays kahit tuition fee pa babayaran ko, sabihin mo lang.

#OBSESSED.

“bakit naman kita ililibre ng lunch aber?.”

“diba may utang ka sa akin?” utang?. Utang? Utang?? Flashback.

“Your Total bill mam is……”

“ayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy” sabay sigaw ko.

“bakit ka sumigaw?”

“wala lang, ganun kasi ako kapag may naalala. Sorry peace!”

“remember?. Oh ano? Ililibre mo ba ako o sasabihin ko sa mommy kung gaanon kasama ang ugali ng kanyang unica hija?”

“wala akong pakialam, samahan pa kita dyan eh”

“hmmmm matapang ka ah?. “

Biglagn umalis si karlo. At lumapit ito sa mini stage sa harapan ng library building.

May nagpapractice ng stage play ng oras na iyon. Kinuha nya ang microphone at nagsalita.

“Attention…Attention Everyone.” Sabi pa ni Karlo, ang weird nya. Ano kaya ang gagawin nya. Noong nagsalita sya ay nagsilapitan ang mga babae, ganun din ang ibang lalake. O should I say mga baklita ang nagpila sa harapan ng mini stage, na handang makinig sa nonsense na sasabihin ni Karlo sa kanila. O sa akin?. Hays

Tumingin ito sa akin. Nanlilisik ang mga mata nya noong  tumingin sya sa akin.

Ngumiti pa ito. Ngiting aso.

Saka nagpatuloy sa pagsasalita.

“ang babaing ito.” Sabay turo sa akin. Tumingin ang mga estudyante sa akin. Syempre hindi maganda ang tingin nila sa akin ng oras na iyon. Dahil nga si karlo ay isang campus kras. At ano mang sabihin o gawin nito kahit na panget eh kinakikiligan nila. Mga baliw.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon