THE GIRL FROM YESTERDAY
Author’s Note:
Kanina Pumunta ako sa Moa, kasi may dinaluhan akong isang kakaibang Xmas party. Oo kakaiba sya kasi, una sa lahat ang venue sa moa. Ahaha at hindi lang sa moa, sa seaside pa ng moa. At ito pa, akala ko 100 guest ang pupunta? Eh mukhang hindi nga kami inabot ng 50’s person. Pero masaya, oo kakaiba kasi sya eh. Sobrang saya, kasi sa pagkakabilang ko eh, inabot na ata kami ng tatlong lipat ng lugar. Para lang maka-pag-umpisa ng laro bwahahah. Pero masaya oo masaya kasi game na game naman yung iba at nasunod yung usapan na sa huli yung Picturan at pirmahan. Haha nakakatawa pa nga may lumapit sa akin para magpasign. O diba? Sikat? Bwahaha pero hindi nya daw ako kilala. (Assuming kasi). Bagamat ganun man ang nangyari, eh walang space yung sayang aking naranasan ngayon araw.
Lalo na noong marami akong nakilalang mga bago muling mga kaibigan. MGA GELPRENS. Oo sila sina Yolly, Diego, Gabriell, Nadz, Chelsea, at ateng maliit na nakalimutan ko ang name bwahaha sorry naman. O sya sobra na akong maingay. Basahin nyo na ang inihanda kong update ngayon araw. Maraming thankyou ulit
-WackyMervin.
#TGFY 15
“Ang tunay na kasiyahan ay hindi mo makikita sa kanya lamang. Try mong tumingin sa ibang tao, baka makikita mo ito sa iba, at hindi lang sa kanya.”
-Karlo.
…………………………
Karlo’s POV
WALA NA!. oo wala na talaga akong pag-asa?. Bakit kamo, galing na mismo sa bibig ni Adrienne, na mahal na mahal na nya ang lalakeng iyon. Sinagot na kasi ni Apem si Bench. At ito ay sa harapan pa naming lahat. Oo pagkatapos kasi ng Stage play namin, ay sinabihan kami ni Bench sa inihanda nitong supresa para kay Adrienne, pero hindi ko alam na ganito pala kabigatin yung surpresa nya. Mukhang seryoso ata talaga sya sa bestfriend ko?. Ni ako nga eh hindi ko inisip na gumawa nang ganitong kalokohan para lang mapasagot ang isang babae. Pero kakaibang babae kasi si Adrienne, mahirap mapaamo, mahirap ligawan. Nagtrabaho nang husto itong si Bench, and I think he deserved the yes na galing kay Adrienne.
…………………………
Ako ito, nakaupo sa isang bench, nag-iisa. Nagrereview malapit na kasi yung Final Exam namin at isang buwan nalang din eh gagraduate na kami sa highschool. Oo tama ang sabi nila, maraming magaganap sa highschool kaya itreasure mo ang bawat minutong meron ka kasi, hindi mo na maibabalik ang dati kapag gumawa ka nang bagay na pwedeng mong madala hanggang sa huling hukay mo. (ang lalim?). buklat buklat ko yung libro ko sa physic, nagbabackread ako nang mga pass lesson namin, most of the subject itong physics at math 4 ang aking paborito.
Hindi sa pagmamayabang, kahit na pasaway ako at manloloko, player babaer eh nag-aaral din naman ako. Sa katunayan nyan eh, running for Valedictorian ako. O diba?. Nasa page 102 tungkol ito sa projectile motion. In short yung motion kapag umiihi ka ganun. Bwahahah ang bad!.
“Hello, pwedeng magtanong? Saan yung Admin Office dito?”
narinig kong tanong ng isang babae. Hindi ako sumagot. Bagkus nagpatuloy ako sa pagbabasa ko nang librong aking binabsa, Tsk! Baka isa lang yung sa mga babaeng nagkakagusto sa akin. Tsk! Ang hirap nang ganitong kalagayan, wala kang way para magpahinga o mapag-isa dahil sa gwapo ka dudumugin at hahanapin ka parin nang mga babaeng mga walang magawa sa buhay. Tsk!
“uhm, hello? Naririnig mo naman ako siguro no?. pwedeng magtanong, alam mo ba kung saan yung Admin office dito?, kasi kung hindi eh aalis na ako at sa iba nalang ako magtatanong”. Mukhang nainis na ata si ate?. Inangat ko yung ulo ko. At nanlaki ang dalawa kong mga mata, halos lumuwa nga ito sa sobrang laki. Is this for real?.
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Novela JuvenilKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)