KUMUSTA KRAS MO?
#ENTRY 57
“lahat ng tao napapagod, lahat ng tao may limitasyon. Kapag naramdaman nila na hindi na sila pinapahalagahan ng taong mahal nila, tumitigil na lang sila.”
………………………………….
“…sinaktan mo na ako karlo”
First time kong masaktan ng ganito, ito ba yung tinatawag nilang heartbreak?. Oo literal na parang nasira yung puso ko. Nakaramdam ng sobrang sakit yung puso ko. May part pa ng puso ko na parang huminto yung pintig nito. Yung hindi ka makahinga?, yung iyak ka lang ng iyak tapos kahit anong iyak mo eh nasasaktan ka parin?.
Nakaluhod akong umiiyak sa kama ko. Lahat ng mga bagay na pwedeng makapag-paaalala sa akin kay karlo ay inihagis ko at itinapon ko sa maliit kong basurahan sa kwarto ko. Kanina pa katok ng katok si mommy sa likod ng pintuan ko pero hindi ko ito pinapansin.
Masakit pala yung taong akala mo ay ililigtas ka sa lahat ng mga bagay na pwedeng mangyari sa iyo ay biglang iiwas at iiwanan kang bigla.
Ang pinaka-masakit pa ay, yung iwan ako ni Karlo ng walang dahilan. Well kung yung dahilan nya ay nahihirapan sya pwes nahihirapan din ako. Anong tingin nya sa akin? Manhid?. Sa tingin ba nya gusto ko rin itong nangyayari? Na madali akong nacocope sa mga nangyayari?.
Gago sya. Napaka-gago nya.
I really hate him so much. Galit na galit ako sa kanya. Galit na galit ako sa ginawa nya, sa desisyon nya. Sa walang kwentang desisyon nya.
Pero sa kabilang utak ko nagsasabing kung susuko sya eh kelangan mo rin bang sumuko?. Hindi ba pwedeng ikaw ang lumaban para sa kanya?. Hindi ba pweden ikaw ang maging lakas nya sa ganiton bagay?. Hindi naman kawalan sa isang babae ang lumaban at maging matigas sa ganitong sitwasyon kung mahal mo at nyo ang isa’t isa may isang tao ang dapat mag-sacrifice at syang sobrang nakakaintindi sa ganitong bagay.
Buti pa yung isip ko gumagana pero ang puso ko parang pagod na.
Umiiyak ako pero walang ng luhang tumutulo sa mata ko. Tingnan nyo? Pati yung tubig sa katawan ko na inilalabas sa mata ko eh pagod na rin. Ilang araw na ba akong hindi kumain ng maayos? Uminom ng maayos? At nakatulog ng maayos? Halos isang lingo nadin iyon.
Gusto kong tawagan si karlo pero wala akong gamit na pwedeng gamitin para tawagan sya dahil hawak hawak parin ito ni mommy.
Pati yung kaisa-isang telephonong lata na syang daan para makapag-usap kaming dalawa ay tinanggal nila, ang sama-sama nila. Bakit nila ako pinapahirapan ng ganito? Bakit nila kami pinapahirapan ng ganito?.
………………………….
Kinabukasan.
Wala akong ganang bumangon sa kama ko. Parang pagod na pagod yung katawan ko ng oras na iyon. at kahit na gutom na gutom na ako ay pinipilit ko paring hindi kumain at iniiwasang kausapin sila mommy dahil magpahanggan ngayon ay galit na galit parin ako sa kanila.
Pumasok si mommy sa kwarto ko. At may inabot itong isang sobre.
Hindi ko sya pinansin pero noong lumabas na ito ay doon ko lang binuksan ang laman ng sobre.
At nanlaki ang mga mata ko noong Makita ko ang nilalaman ng sulat.
Kaagad akong tumakbo para puntahan at hanapin si mommy sa baba. At nakita ko itong nasa kusina, sinigawan ko sya, oo bastusan na pero hindi nya pwedeng gawin ito sa akin.
“You need to explain this? Why you doing this to me huh? Why you need to do this? You ruin my life, inilalayo mo ako sa mga kaibigan ko, inilalayo mo ako kay karlo mommmmmmmmmy… bakit ba? Bakit mo ginagawa ito?”
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)