KUMUSTA KRAS MO?
#ENTRY 50
“Kung gusto mo syang saktan wag naman harap-harapan. Tumalikod ka naman kung may konting hiya ka pa dyan”
………………………………..
Adrienne’s POV
Hindi ko maintindihan kung anong ginagawa ni Karlo dito. Ni hindi ko gustong makita ako ni Karlo na hawak hawak ang kamay ni Bench at sobrang sweet sa isa’t isa.
Nagsabi kasi si bench na ipapakilala ako nito as Girlfriend sa buong tao sa party pero alam naman namin na hindi pa talaga kami. So magkukunwari kaming kami for the sake of his birthday party. Pero biglang nag-iba yung scenario ng makita ko si karlo parang gusto ko ng umalis at bumalik ng pinas nahihiya ako kay karlo.
Yung kasama nya si trixie alam kong plano na naman ito ni trixie na sirain ang birthday party ni bench. At siguro kaya nya pinapunta si karlo sa party na ito ay para nga gumawa ng eksena iton g babaeng ito wala na talagang ginawa kundi sirain ang araw ko. Hays.
Pagkatapos kausapin ni bench si karlo at trixie ay kaagad ng hinila ni bench ang kamay ko palayo sa kanilang dalawa.
Noong kaming dalawa nalang doon sa may lugar na kung saan ay walang gaanong tao ay nagsalita narin si bench.
Nakaupo kaming dalawa sa isang couch may mga drinks sa harapan naming dalawa.
Hindi naman ako marunong uminom at hindi pa talaga ako umiinom ng ano mang alak yung doon sa bahay nila bench noong naglaro kami eh hindi naman ako nakainom kasi nga si karlo ang uminom ng alak na para sa akin, dahil sa hindi ko pag-gawa ng dare.
“are you ok?” tanong ni bench sa akin
“oo naman ok ako” pero sa totoo lang nanginginig yung tuhod ko.
“ahmmm yung kay karlo?” sabay bukas ng topic ni bench.
“bench wag ngayon. Araw mo ngayon ok? So kung ano mang bagay na pwedeng makasira sa araw mo hindi ako papayag. Kaarawan mo ngayon at gusto ko masaya ka ngayon ok?”
Niyakap ako ni bench at niyakap ko rin naman nya. At sincere ako sa sinabe ko sa kanya na hindi nya deserved na maging malungkot ngayon araw.
Oras na ng performance ko. Oo nakalimutan kong sabihin na magpeperform ako sa stage para kay bench pero hindi ako sasayaw ah? At magmumukhang tanga. Dahil sa soryal itong party na ito ay magpapiano ako.
Nasa stage na ako nagpalakpakan ang mga tao. Kitang kita ko mula dito si karlo. Hindi ito nakangiti at katabi nito si trixie.
Huminga ako ng malalim. Tumingin muli ako kay bench.

BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Fiksi RemajaKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)