#ENTRY 13

3K 31 4
                                        

KUMUSTA KRAS MO?

#ENTRY 13

Kinabukasan, nagdecide sila mommy at daddy na magsimba kami as family. Kaya Masaya ako na kasama ulit si karlo at katabi sa likod. Wala kaming ginawa kundi magkulitan at mag-asaran. As usual lagi naman kaming ganun eh.

Pagkatapos ng misa ay lumabas muna ako para bumili ng makakain ko at ni karlo kasi sila mommy at pumunta sa isang meeting sa simbahan.

Ng may mabunggo akong isang lalake. At natapon ko yung ice cream na para sana kay karlo.

At natapon ito sa damit nya mismo hays nakakahiya. Pinunsan ko yung damit nya gamit yung panyong nasa bulsa ko. Pero pinigilan nya ako, nahawaka nya yung kamay ko. Tumingin ako sa mga mata nya.

“Stop it” then he holds my hands. Nakangiti ito habang hawak ang kamay ko.

Kaya pinigilan ko na ang pagpupunas sa damit nya.

“sorry” with matching peace sign.

“ok lang yun, hindi mo naman sinadyan. Tadhana ang tawag dito”

“huh? Tadhana?”

“oo tadhana, yung tipong nagkita tayo, in a unexpected day, unexpected situation like this” tapos he lend me his hands at nagpakilala.

“By the way I’m bench, pero sa totoo lang benji talaga ang pangalan ko. Kaso ang baduy kasi kaya pinalitan ko bench para mas pogi, diba mas bagay? With pogi pose.

Humaygad ano bang ginagawa ng lalakeng ito? Bakit ba nagpapacute sya sa harapan ko?.

“Babessssss” narinig kong sigaw ni karlo sa akin. Shet palapit si karlo tapos tinawaga nya pa akong babes? Babes? Bakit parang pakiramdam ko eh mahihimatay ako ano mang oras ngayon?.

Tapos lumapit na si karlo sa tabi ko, nakatitig ito kay Bench. At nakatitig sa paghahawakan namin ng kamay. Oo nga bakit hindi parin nya binibitawan yung kamay ko?.

Ako nalang ang bumitaw, bigla kasi akong nahiya.

“kaya pala? Pinalitan mo na kaagad ako?.”

Tumingin ako kay bench. At nagpout sya na tinuturo si karlo.

“no..no..he’s not my boyfriend. He’s my brother.”

Tapos sumagot itong gagong ito.

“brother? Ngayon? Ikinakahiya mo naman ako?”

“Promise hindi ko sya boyfriend.” Sana nga boyfriend ko nalang sya. Adik talaga itong si karlo mapapatay talaga kita. Hayssssss bakit parang kinabahan ako.

“hmmm I believe in you” sabay pisil ng mukha ni bench sa akin.

At umalis na ito.

At bigla akong binatukan ni karlo.

“hoy ano yun?”

“tao” pilosopong sagot ko.

“ah? Tao pala sya? Akala ko baboy”

“baboy?” pagtataka ko.

“baboy? Babae boy. Kasi napakaputi nya para maging isang lalake. Baka bakla sya”

“bakla mo your face, bakit ba kasi tinatawag mo akong babe kainis ka naman oh”

“kinilig ka naman? Nasusuka nga ako sa twing ginagawa ko yun eh.”

“nasusuka ka pero ginagawa mo parin? Sus. If I know gusto mo rin ako”

“mukha mo” sabay kinuha nito ang ice na hawak ko.

“hoy akin yan. Bumili ka ng iyo”

“wala akong pera. Bumili ka ng iyo hehe”

……………………………

Sa bahay. Habang nanonood kami ni karlo ng isang movie kasama sila mommy hindi ko maiwasang tumingin sa kanya.

At kapag tumingin naman sya sa akin. Eh natataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya tumititingin nalang ako sa ibang direksyon.

Kaya lumapit ito sa akin.

“hoy? Titigil tigilan mo nga ako sa pag-titig mo? Sa susunod na titigan mo ako. May bayad na ok?”

“ako? Nakatitig sa iyo? Mukha mo” narinig ni mommy na nagtatalo na naman kaming dalawa.

“ano na naman yan? Ah?”

Biglang sumagot si karlo.

“si….Adrienne po kasi may krassss” sabay tinakpan ko yung bibig ni karlo

“hmmm sino yung kras ni apem karlo?” binitawan ko na yung pagkakahawak ko sa kamay

Shit please  karlo wag mong sabihin kay mommy na kras kita huhuhu baka malagot ako nito huhuhu. Dasal ko pa sa sarili ko ng oras na iyon.

Punong puno na ako ng kaba sa sarili ko. Ano bay an? Mamamatay na ba ako?

“si bench.”

Hay salamat.

“sinong bench?” sabay tumingin si karlo sa akin.

“yung lalakeng nakilala nya lang po sa simbahan”

“ah ganun ba?, ikaw apem bata ka pa ah? Wag ka munang magkras kras dyan. Ok? Mag-aral muna kayo ng mabuti saka na yung kras.”

Biglang sumagot si daddy.

“sus. Bakit dati? Ganyan Ka rin naman, eh kinse anyos ka pa lang noon kras mo na ako” sabay nagkwento na si daddy.

……………………………..

Kinagabihan.

Nasa labas ako ng bahay nagpahangin kasi muna ano kasi sira yung aircon namin sa bahay bukas pa raw ito mapapaayos nila mommy.

At lumabas din si karlo.

“binabantayan mo ba ako?” tanong ko sa kanya

“assuming ka rin no?. syempre hindi, ang init sa bahay nyo ngayon eh kaya lumabas din ako, basa na yung bawat sulok ng kili-kili ko, hindi na kaya ng #3 ng electric fan.”

“ang arte mo”

Sabay tumahimik si karlo.

“uy…tahimik? Himala, hindi ka sumagot”

“ang sweet pala ng lovestory ng mommy at daddy mo no?, hmmm yung kay mommy kasi eh…puro wasak”

“wasak?”

“wasak, hindi maganda yung naging kwento nila”

“akala mo lang yun, maganda ang naging kwento ng pagmamahalan nila”

“paano mo naman nasabi?”

“dahil andyan ka”

‘huh?”

“ikaw ang pinakamagandang nangyari sa kanila”.

Sabay ngumiti sya at sabay na kaming umakyat sa kani-kanilang kwarto namin.

…………………………………

#kumusta kras mo?

May bago akong kras at ang pangalan nya Bench, ang caute nya ang puti. Bakit ba kasi attractive ako sa mga lalakeng mapuputi? Eh ako? Maitim hehe.  Pero kahit na maitim ako maganda naman ako.

PS. Sana magkita ulit kami ni bench. May nararamdaman ako na may gusto narin sa akin si karlo? Di kaya?. Hays makatulog na nga GOODNITE.

-Adrienne.

All Right Reserved 2013

Copyright By: Mervin Canta

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon