#ENTRY 32

2.5K 22 1
                                    

KUMUSTA KRAS MO?

#ENTRY 32

“kinikilig ako kapag andyan sya, halos hindi ako makahinga kapag palapit na sya, nauubusan ako ng hininga kapag nagsalita na sya, at noong tinignan na nya ako ayun hinimatay na akong bigla…..dati yun iba na ngayon.”

-Adrienne.

…………………………………

Adrienne’s POV.

Katatapos lang naming kumain ng nilapitan ako ni tita Francine, hays parang pagkadating ko palang eh imbis na yung anak nya yung gusto nitong kausapin eh ako ang kinukulit nito sa dami nitong tinatanong sa anak nya. Akala nya siguro eh sobrang close kami ng mukhang unggoy nyang anak? Tsk.

“tita?” sabi ko sabay lingon sa kanya hawak hawak ko pa yung plato na huhugasan ko sana, ibinababa ko muna ito sabay humarap nga sa kanya.

“ano po? May kelangan po ba kayo?” tanong ko pa sa kanya.

Hinawakan nito ang kamay ko, sabay tumingin sa mga mata ko. Nakangiti lang sya the whole time habang ginagawa nya yung bagay na iyon.

“wala, gusto lang sana kitang kausapin about Karlo.” Sabi ko nga ba eh, tama ang hinala ko, marami itong  tatanungin sa akin about his son duh. Ang alam ko lang po sa anak nyo eh….ang weird nya. Minsan ang sama- sama ng ugali nya, minsan naman eh mabait sya sobrang weirdo po nya.

Gusto ko ng sabihin ito kay tita Francine pero baka kasi magalit ito o baka pagalitan naman si karlo ako naman ang aawayin yun sigurado.

“kamusta naman kayong dalawa?” eh? Kami? Ako at sya? Ano bang meron sa amin? Hindi ko maintindihan yung tanong ni tita.

“kaming dalawa po?” sabay kamot sa ulo ko, oo naguguluhan talaga ako.

“oo kayong dalawa, ano kayo na ba?” huh? Eh ah? Ih o u, bigla akong napanganga. Oo literal na nakanganga ako sa sa tanong ni tita gosh bigla akong pinag-pawisan.

“hoy? Anong nangyari sayo? Kayong dalawa eh magkasundo na?, diba magka-away kayong dalawa, I mean hindi kayo close, balita kasi sa akin ng mommy mo last month eh nag-away raw kayo so ano kamusta kayo?”

Shete, iba pala yung nasa isip ko hays, hinga ng malalim oo kasing lalim ng deep blue sea. Tsk

“hmmm hindi kami ok, pero minsan ok naman po, pero most of the time hindi kami ok, pero kinakausap ko naman sya, pero tinatarayan nya ako, pero minsan lang naman po, tapos kapag nilulutuan ko sya ng ulam eh nagiging mabait sya sakin pero may times naman po na….”

“waiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiit” napasigaw si tita, bigla naman akong napahinto sa pagsasalita, 0_0

“hindi kita maintindihan, I just want to know kung ok kayo o hindi ang dami mo namang sinabe eh” medyo tumaas yung boses ni tita, akala ko nagalit sya pero parang hindi naman, hays.

“sorry po, pwede po bang si karlo nalang ang tanungin nyo?. Kasi wala naman po kayong mahihita sa akin eh, bobo po kasi ako hindi katulad ng anak nyo”

Medyo inokray ko yung sarili ko para lubayan na ako ni tita Francine sa pag-iinterrogate nito sa akin.

“alam mo bang, katulad mo ako dati?, nakikita ko ang sarili ko sa iyo. Alam mo bang just like you, bobo rin ako, actually binabagsak ko talaga lahat ng mga subject ko para  sa wala lang, actually kiniwento ko na ito kay karlo pero hindi sya interesado kaya sa iyo ko nalang ikwekwento ok ba?”

Tumungo lang ako, at mabilis kong tinapos ang paghuhugas, may pagkakataon pa na tinulungan pa akong punasan ni tita Francine yung mga plato at saka kami pumunta sa may labas ng bahay at umupo kami sa bench. At nagkwentuhan.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon