KUMUSTA KRAS MO?
#ENTRY 58
“A relationship will not fix your problems. If you’re unhappy, don’t expect another person to change that. Often, you’ll only end up spilling those problems onto them. Make sure you’re content with who you are before trying repairing it through someone else. The only one who can determine your happiness is you.”
…………………………………
Karlo’s POV.
Ayaw ko na ba?
Sumuko na ba ako?
I need to do this, for her sake. Lahat ng mga bagay na ginagawa ko ay para sa kanya. At sa kanya lamang.
Si Aristotle. Sya ang babaeng nakitang kasama ko at kahawakan ko ng kamay. She’s my old friend. Actually galing sya sa province at hulog ng langit na bigla syang dumating.
Hindi ko niloloko si Adrienne. I just need to act na parang walang pakialam sa mga nangyayari para Makita ko sya, pero hindi ko pa kasi nasasabi sa kanya ang plano ko kaya bigla syang nagburn out at nagalit sa akin ganun din ang mga kaibigan nya.
She need to pretend to be my girlfriend at pumayag naman sya dito, sa isang linggong kasama ko sya ay halos parehas lang sila ng katangian ni Adrienne kaya hindi ako nahirapan mapalapit ang loob ko sa kanya, minsan pa nga noong magkasama kaming dalawa at kumain sa labas.
Ay natawag ko pa syang Adrienne. Pero noong lumingon sya ay bigla akong bumalik sa realidad na hindi pala talaga sya yung taong mahal ko.
Naguguilty ako dahil hindi si Adrienne ang katabi ko ngayon sa lunch. Naguguilty ako dahil hindi si Adrienne ang kahawakan ko ng kamay. Hindi sya yung binibigyan ko ng sweet messages, sweet smile at ng maghigpit na yakap kundi ibang tao.
Madali din napalapit ang loob sa akin ni Ayris. Pero ayaw kong syang paasahin na mamahalin ko sya gaya ng pagmamahal ko kay Adrienne. Alam ni Ayris ang kundisyon ko.
Kiniwento kasi ito ni mommy sa kanya. At simula noong nalaman nya ito ay sinasamahan na nya ako lagi sa clinic kapag may check up ako with my doctor.
Mahal pa kita.
Sobra kong nasaktan si Adrienne ng oras na iyon. yung hula sa kanyang mga mata. Yung galit sa puso nya. Yung apoy sa kanyang mga mata.
Ang syang nagpapasikip sa puso ko.
Ang syang nagpapakirot sa sugatan kong puso.
Gusto ko syang kausapin pero hindi pa ito yung tamang oras para kami mag-usap. Magkapit-bahay lang kami pero hindi kami pwedeng Magkita, mag-usap ganoon kahirap ang sitwasyon naming dalawa.
Ilang dipa lang ang layo nya sa akin pero hindi ko sya kayang maabot.
I need to do this. Maybe hindi ako yung tamang lalake para sa kanya. At sana hindi rin yung Bench nay un ang lalake para sa kanya. Medyo mayabang kasi sya para kay Adrienne.
I need to set her free.
Kahit na sobrang sakit, ay kelangan kong gawin ito.
Sabi ng doctor, masyado na raw lumalaki ang butas ng puso ko. Muli itong bumukas noong mga nakaraang buwan. Siguro dahil sa sobrang stress na nadala ko sa katawan ko at sa mga bagay na iniiisip ko. Sa relasyon naming dalawa ni Adrienne.
Sorry Adrienne.
Sorry kung minahal kita.
Sorry kung pinaasa kita na magiging Masaya ka sa piling ko.
Sorry kung yung happily ever after na parangarap mo eh hindi mo makakamit sa akin. Dahil maski ako hindi ko alam kung magiging Masaya ba ako sa mga nangyayari.
At sa mga mangyayari palang.
Sorry kung minahal kita. Di ko kasi mapigilan eh. You’re so lovable. Sweet and Caring.
Pero kahit anong gawin kong ilayo ang sarili ko sa iyo, there’s still a little space you here in my heart.
Ok lang na makahanap ka ng ibang lalakeng magmamahal sa iyo.
Magiging Masaya ka sa kanya? Edi mas maganda!.
Layuan mo na ako Adrienne. Kesa na kasama mo nga ako pero puro sakit naman sa ulo ang dala ko sa iyo.
I set you free.
Paalam. Maybe forever is not enough to say that I love you.
Maiintindihan mo rin ito hindi man ngayon pero may isang taong magkwekwento sa iyo sa tunay na dahilan ng mga bagay na nangyari.
Mamamatay man ako. Pero ang pag-ibig ko sa iyo hinding hindi kelan man mamamatay mahal ko.
Itutuloy.
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Novela JuvenilKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)