#TGFY 23

605 8 2
                                    

THE GIRL FROM YESTERDAY

#TGFY 23

“Masaya ako, Masaya ako na Masaya yung mga taong Masaya sa akin. Basta Masaya ako. Masaya ako na nakikita kong Masaya sya. Yun naman yung importante ngayon eh. Basta Masaya sya. Masaya narin ako. Pero yung totoo?”

………………………….

Adrienne’s POV

Nasa harapan na ako ng aking paaralan. Kaagad akong tumakbo papunta doon sa may Admin office, dahil doon kasi kinabit sa isang bulletin board doon, yung resulta ng Final Examinations at kung sino nga ang napili ng aming paaralan bilang maging Valedictorian sa darating na graduation ngayong marso. Habang palapit ako ng palapit sa Admin office, marami ng bumati sa akin ng congratulations. Hindi ko maiwasan ang bigyan sila ng magandang ngiti at kamayan na para bang isang botante.

Sabi pa ng isang babae hindi ko naman kilala ay You Deserve to be Valedictorian.Sobrang flattered naman ito sa akin bilang isang simpleng estudyante lamang na walang pinangarap kundi ang maging mataas ang aking grades at yun nga ang maging valedictorian. Para kahit papaano ay maikwento ako sa akin mga anak na kahit isang beses may napatunay ang nanay nila na kaya ang lahat basta kakayanin at hindi susuko. At syempre kelangan mag-aral ng mabuti para may marating at makamit mo yung pinapangarap mo. Kung ano man yun!.

Kahit na marami ng nagsasabi na ako nga yung napili n gaming paaralan, ay hindi parin ako naniniwala hanggat hindi ko pa ito  nakikita ng aking dalawang magagandang mga brown na mga mata na unti-unti ng babagsak ang mga luha dahil sa sobrang galak at kasiyahang aking nararamdaman. Hanggang sa makarating na ako sa harapan mismo ng bulletin board. Dumoble yung tibok ng puso ko, nanlaki sa normal nitong pagtingin yung dalawa kong mata. At umabot hanggang langit yung ngiti ko noong…

“Ano? Hindi ka parin ba makapaniwala?” yung boses nya. Yung hangin na lumabas galing sa kanyang bibig. Masyado syang malapit sa akin. Lalakeng lalake ang boses nya, yung para bang basugalero?, o naghahanap ng away?. Pero sa lahat ng mga astigin ang boses sya yung may mabangong hininga. Humarap ako sa kanya, halos at kamuntik-muntikan ng maglapat ang aming mga labi. Saka ko lang na-realize na marami palang mga tao sa paligid.  Kaya kaagad ko syang tinulak palayo sa akin.

“Ganyan na ba talga kapag Valedictorian, nanunulak?” biro pa sa akin ni Karlo saka muli itong lumapit sa akin. Inayos nito yung buhok nitong medyo nagulot. Omaygas, bakit parang ang pogi nya ngayon?.

“Congratulations din sayo” bati ko pa sa kanya, then I offered my hand to him, para magshake hands. Pero hindi nya ito kinuha, I mean. Hindi nya tinanggap yung pakikipag-shakehands ko sa kanya. Bigla tuloy akong nalungkot. Pero nagulat ako sa sunod nyang ginawa, hinila nya yung kamay ko na para bang makahila ng isang asong may tali sa leeg. Dinala ako ni Karlo sa Gymnasium. Napating ako sa loob ng gymnasium. Tinitignan kung anong special sa lugar na ito at bakit ako dito dinala ni Karlo.

“Anong meron?, bakit mo ako dinala dito?” tanong ko pa sa kanya. Na patuloy parin ako na hindi mapakali yung aking paningin.

“Adrienne” sabi nya. Napalingon ako sa kanya. Seryoso yung mukha nya, bigla akong nagtaka, sa kakaibang kinikilos nya. Naka-tayo kaming dalawa sa gitna ng Gymnasium na kung saan kami gagraduate 2 weeks from now.

“Ano yun?” gusto ko man ngumiti pero hindi ko kaya kasi seryoso yung mukha ni karlo. Na para bang may sasabihin itong importanteng bagay na syang nag-papakaba sa akin.

“Yun, kahapon?” sabi pa nya sabay iniwas kaunti yung tingin nya sa akin.

“Wala yun” sabi ko sabay ngumiti. wala yun?. Gago ka kasi eh, sinabe mo na-aantayin mo ako, tapos may isang maganda, sexy, makulit at bigla ka namang bumigay. Bwisit ka. Nakangiti ako nito ah! Promise.

“Nasaktan kita eh.” Sabi  pa nya.

“Hindi mo ako nasaktan, ako yung gumagawa ng paraan para kasi masaktan ako. Kasi tanga ako, isa akong malaking tanga, dahil kahit na alam ko na hindi pwedeng maging tayo. Pinag-pipilitan ko. Pinagsisiksikan ko yung sarili ko sa iyo. Tanga kasi ako, I admit it. Sabi pa nga ni Imee napaka-selfish ko raw, tanggap ko na yun. Wala na sa akin yun. Okay na ako ngayon tanggap ko na. at bestfriend Masaya ako sa inyong dalawa. At sana maging Masaya kayo habang buhay” sabi ko. Pero bakit bwisit na matang ito?. Bigla na naman tumulo?. Nanginginig pa yung buo kong katawan, pati yung kalamnan ko. Nag-aalburoto.

“Kung Masaya ka, bakit umiiyak ka?” tanong pa nya sa akin. Ang Tanga mo rin kasi Karlo. Sobrang complicated na kasi eh. Ang hirap hirap na eh. Paano kita maagawa sa isang babaeng halos lahat ata ng hinahanap mo ay nasa kanya nya. Tss. Pinunasahan ko yung mata ko. Tssk promises are meant to be broken talaga. Sinabe ko na sa sarili ko kanina na, hinding hindi na ako iiyak. Pero eto ako umiiyak na naman? Bwisit  talagang mata ko. Papalitan ko na ito ng mga mata ni Anghelita. (joke yun bakit hindi kayo natawa?).

“Ah? Eto?, Tears of joy. Masaya kasi ako. Oo promise, walang halong bitter” shete? Bakit ko ba nasabi yun salitang bitter?. Syempre hindi yun maniniwala. Tanga mo talaga Apem.

“O sige na karlo. Uuwi na ako, baka umuwi na si mommy”

“ihahatid na kita”

 "Wag na, kaya ko na ang sarili ko"

"Pero...baka anong mangyari sa iyo" pag-aalala pa nya. nakatalikod na ako nito pero bigla akong napaharap sa kanya. at muli ko syang hinarap.

“No, karlo.hindi ako makaka-move on hanggang Nakikita kita, hanggang nandyan ka sa tabi ko. Hindi ako magiging buo ulit hanggang nakikita ko yung taong dahilan kung bakit ako naging ganito. Oo hindi na ako mag-sisinungaling. Dahil baka kagaya ni Honesto ay humaba pa yung ilong ko kung patuloy akong mag-sisinungaling. “ saka humugot ng hininga galing sa ilalim ng lupa.

“Hindi ako natutuwa, hindi ako Masaya, gusto ko tayo. Gusto kong maging tayo., ikaw at ako lang. selfish kasi ako. Pero anong magagawa ko?. Kung napagod ka na?. anong magagawa ko, kung nag-sawa ka na?. anong magagawa ko kung hindi mo na ako gusto. Na kay Sophia na umiikot yung mundo mo?. Karlo hindi ko naman sinasabeng lumayo ka sa akin. Pero gusto ko lang ng space please?, dahil hindi ko talaga makakayanan ito” ang haba ng speech ko. Pero siguro eto na yung luhi. Ayan na naman tayo. Siniset ko na naman yung sarili ko sa salitang last. Pero hindi naman natutupad tsk.

Tumalikod ako, hindi ibig sabihin, tinatalikuran na kita. Umiiyak ako, hindi ibig sabihin napapagod na ako. Hanggang may tubig pang ibabagsak itong mga mata ko. Hanggang tumitibok pa itong puso ko na syang pangalan mo lang ang sinisigaw. Hindi ako mapapagod, kelangan ko lang mag-isip. Yung isang intellectual na pag-iisip. Yung matured na pag-iisip, hindi yung pabara-bara hindi yung ganito. Kelangan sa susunod na magkaharap tayo, nahanap ko na talaga yung sarili ko. At nasa muli ko itong mabuo, kasama ko ang pinapangarap kong lalake, walang iba kundi  ikaw Bestfriend ko.

……………………………

All Right Reserved 2013

Copyright By: Mervin Canta

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon