KUMUSTA KRAS MO?
#ENTRY 64
“kapag sinabe nyang mahal ka nya maniwala ka. Wa kang magtaka. Maganda ka o kung hindi ka man maganda eh maganda naman yung kalooban mo yung ang nagustuhan nya sa iyo, kaya mag-iloveyoutoo ka na ah?”
-Adrienne.
…………………………
Adrienne’s POV
Linggo walang pasok, at may natanggap akong isang sulat at isang ticket na galing kay Bench na good for 2.
Yung plano ni Bench na magtanan kaming dalawa ni Karlo pero hindi ako pumayag kasi ang panget tingnan sa aming dalawa at baka mas lumalala pa yung gulo kaya I refuse it.
Pero kanina nga ay nakatanggap ako ng isang sulat galing sa kanya.
“Enjoy your Trip guys J “ with matching smile. 2 plane ticket para sa Palawan. Hawak hawak ko ito noong papasok ako sa bahay nila karlo.
Tok tok katok ko pa sa gate nila. May lumapit, sumilip ako at nakita ko na yung bestfriend ni karlo yung palapit sa gate at syang magbubukas nito.
Binuksan na nya yung gate. Nakangiti ito noong binuksa na nga nya ang gate. Saka hila ng kamay ko papasok sa loob.
“hali ka. Ano kelangan mo at ang aga-aga nandito ka na kaagad sa bahay?, hmmm namiss mo si karlo no?”
“oo namiss ko sya, miss ko na sya kaagad ng sobra. Nga pala sorry for being rude noong mga nakaraang….”
Hindi na nya ako pinatuloy ng pagsasalita kasi sya na ang nagpaliwanag sa akin.
“You don’t need to say sorry. Hindi mo rin naman kasi alam eh, at isa pa kahit anong gawin ko eh hindi parin ako magugustuhan ng bestfriend ko. Kahit na siguro maghubad ako sa harapan nya eh ikaw parin ang pipiliin nya, nagtataka nga ako eh. Medyo maganda ka lang naman kesa sa akin pero bakit sa isang taklesang katulad mo sya nagkagusto?”
Aba? Sumusobra na itong babaeng ito ah?. Kung di lang sya bestfriend ng boyfriend ko. Oha ? ang lakas ng loob ko. Bestsfriend ka lang at ako ang Girlfriend. Haha joke.
“nakakatawa ka rin pala no?. pero gusto kong magpasalamat sa iyo, sa hindi mo pag-iwan kay Karlo. Siguro kong wala ka. Eh hindi siguro kami magbabalikan. Dahil nasabi nya rin sa akin ikaw itong nagpipilit na bumalik sya sa akin ano man raw ang mangyari. At gusto kitang pasalamatan sa ginawa mong iyon.”
Sabay hinawakan ko yung kamay nya.
“just like what I’ve said. You don’t need to say sorry at wag Karin magpasalamat. Ginawa ko yung bagay na iyon dahil mahal ko ang bestfriend ko. At hindi maatim ng puso’t isip ko na kasama ko sya pero hindi naman sya Masaya sa piling ko. Might as well kung ibibigay ko sya sa iyo eh makikita ko ulit sa mga mata nya yung kasiyahan na nakikita ko noong mga bata pa kami. At sana alagaan mo sya ng husto. At mahalin, dahil kung hindi…aagawin ko na talaga sya sa iyo”
“hinding hindi yun mangyayari”
“nga pala…aalis na ako mga 2 weeks from now. Doon na kasi ako titira sa America with my family nakabase na kasi yung parents ko doon eh. At isa lang ang favor ko sa iyo, since wala na ako dito. Wala ng mag-aalaga kay karlo, please alagaan mo naman sya. Ah? Yung health nya wag mong pabayaan. At wag mong pabayaang muling masira yung puso nya”
? masira ang puso nya? Oo alam ko na naheartbreak sya pero masira? Hindi ko maintindihan.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ay umakyat na kaagad ako sa kwarto nya. Wala si tita Franz ng araw na iyon kasi namalengke raw ito para sa kanilang umagahan.
Kinalampag ko ang pintuan ng kwarto ni karlo. Sabi kasi Ayris ay tulog parin ito hanggang ngayon. Kaya mas lumakas pa ang kalampag ko sa pintuan nito.
“karlo…buksan mo”
Biglang may sumagot at syempre si karlo ito. Yung boses nya ay halatang kakagising lang.
“oyyyy….ang ingay mo” sabi pa nito sa akin.
“ako? Maingay? Oo maingay ako, at mas mag-iingay ako kapag hindi mo binuksan itong pintuan kaya kung ako sa iyo eh buksan mo naaaaaaaaaaaaaa” napasigaw pa ako noong biglang bumukas ito.
Bigla kasing bumalandra ang hubad na pang-itaas na katawa ni karlo and he’s so sexy. Gosh! Tubig please…nauuhaw ako….ayrisssss tubigggggggggggggggg.
Umiwas ako ng tingin sa kanya.
“ano bang masamang hangin ang nagdala sa iyo dito ng ganito kaaga?, hindi ibig sabihin na ok na tayo eh pwede mo ng sirain ang magandang tulog ko, ang panaginip ko ah?”
Sarcastikong sabi pa nito.
Humarap muli ako at sinagot sya.
“hoy? Ang kapal ng mukha mo ah. Sino ba yang panaginip mo ah? At sasapakin ko ah? Sabihin mo…”
“ikaw, sige nga kaya mong sapakin yung sarili mo?”
“hmmmp ewan ko sa iyo…”sabay tumalikod na ako at aktong bababa na sana sa hagda ng biglang hinawakan nya ang braso ko.
Napalingon ako sa kanya.
“saan ka pupunta?”
“uuwi na”
“uuwi ka? Ginising mo ako, inistorbo tapos uuwi ka lang? ano bang pinunta mo dito ah?”
“syempre ikaw? Alangang si Ayris eh hindi naman kami close nun duh”
“oo alam ko na ako ang pinunta mo dito, pero can you be specific”
“si karlo james Mandirigma ang pinuntahan ko dito specific na yun ah”
“hayyyyss hindi yun…mas specific pa”
“ahh…ok… yung boyfriend kong saksakan ng yabang at pogi”
“thanks ah! Pero mas specific pa dyan”
“ano bang mas eespecific sa mga sinabe ko adik ka ah?”
Sabay napatingin sya sa bitbit ko.
“yan…ano yang hawak mo. Pumunta ka dito dahill…?????”
“oo, tama. Pumunta ako dito dahil may goodnews sana ako sa iyo”
“hmmm mas goodnews pa sa nakikita ko” sabay iba yung titig ni karlo sa akin.
“huh?. Ewan ko sa iyo. I have 2 plane ticket sa Palawan. Yung bagong resort na binuksan ng pamilyang chan. And they inviting us doon tayong dalawa lang”
“ok” walang reaksyon sa mukha #_#
“ok? Ok na ok na sasama ka o ok na hindi ka pwede? O ok na walang reaksyon?”
“hmmmmm bakit ba kasi kinakausap mo yung lalakeng iyon?”
Sus nagseselos itong boyfriend ko ahha
Lumapit ako sa kanya at hinawaka ko yung kamay nya.
“karlo…si Bench kaibigan ko. Kaibigan natin”
“ikaw lang ang kaibigan nya hindi ako”
“well, ok sabi mo eh. Ayaw mo ba ako na makasama sa isang island na tayong dalawa lang?”
‘so walang ibang tao doon?. Walang magbabantay ng resort? Walang guard?s tindera? Katulong? At iba pa?”
“karlo naman….”
“oo na papayag na ako”
“hmmmp napipilitan ka lang eh”
“para sayo gagawin ko, kahit na sukang suka ako…” bulong pa nito. Hindi ko na sya pinansin pero ok na yung pumayag na sya at napakasaya nun kasi kaming dalawa lang ang magkasama doon. Syempre may ibang tao parin doon.
Pasaway ka talaga karlo.
Itutuloy…..
![](https://img.wattpad.com/cover/7759787-288-k329471.jpg)
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)