THE GIRL FROM YESTERDAY
#TGFY 24
“Bakit ba kasi napaka-torpe ko?. Bwisit talaga. Bwisit. Napaka-Gago ko”.
-Karlo.
………………………….
Karlo’s POV
Muli kong nasilayan si Adrienne. Pagkatapos ng heartbreaking na dramahan kagabi. Kahit na katalikod ito alam na alam kong si Apem ito, yung buhok nyang mahaba na kulay itim, pero nagkukulay tanso kung nasisilawan ng araw. ang pinaka-magandang bestfriend sa balat ng lupa. Adrienne ang pangalan .
Lumapit ako sa kanya, saka ko inilapit yung bibig ko sa bantang tenga nya, saka sya binulungan. “Ano, hindi ka parin makapaniwala?”humarap ito sa akin. Muntik-muntikan na kaming maghalikan. Mali, napaka-assuming mo na naman Karlo. Muntikan lang kayong mag-kiss haha. Saka nya ako tinulak. Saka ko sya inasar. Kinongratulate nya rin ako kasi, ako yung nagging Salutatorian, pangalawa lang ako sa kanya. Pero hindi naman importante yun. Alam kong importante ito sa kanya. At sobra kong kinatutuwa na narating nya itong yugto ng buhay na sobrang Masaya sya at natanggap na nya kung ano yung pinapangarap nya.
Niyaya ko sya sa Gymnasium. Bakit ko sya dinala dito?. Gusto ko kasi maging saksi ang lugar na ito, sa pag-sasabi ko ng totoo nararamdaman ko sa babaeng ito. Gusto ko na madama ng lugar na ito na punong puno ng pag-mamahal yung katawan ko. Na kahit na isa akong lalake ay pwede rin akong kiligin at sabihin kinikilig na kahit ang corny sabihin ay magpapakatanga ako sa harap ng maraming tao para lang sa tunay na babaeng nagpapatibok ng puso ko.
Syempre nagulat sya. Hindi sya makapaniwala kung bakit ko sya dinala dito. Maraming tanong, pero hindi ko sya sinagot. Nakatitig lang ako sa kanya, ayaw ko na kasing mawala pa yung paningin ko sa kanya. Gusto ko syang tignan araw-araw, oras-oras at kung pwede nga lang minu-minuto.
“Adrienne” sabi ko sa kanya. Kakaiba talaga ang pangalan nya. At kung alam nyo lang kung saan nangaling ang pangalan nya. Pinag-kabit-kabit na pangalan ng mga taong nagmamahal sa kanya. Adrienne Paola Eris Marie Gonzaga.
“Anu yun?” na may pagtataka sa kanyang mukha. Huminga ako ng malalim. Hindi ko pinahalata sa kanya, na kinakabahan ako. Inayos ko yung sarili ko.
“yun kahapon” shet, bakit ito ang nasabi ko? Bakit hindi ko na naman nasabi yung pinaraktis ko kagabi? Bwisit. Pero mas nagulat ako sa sinagot ni Adrienne.
“Wala yun” sagot nyang casual. Parang wala lang talaga sa kanya yun?. Nagsabi nya ng pag-ibig nya sa akin for the second time pero wala lang?. umiyak na naman sya ulit sa akin pero wala lang?. wala lang sa kanya lahat ng iyon? Bakit parang nakakaramdaman ako na ang bilis nama nyang kinalimutan iyon?. Siguro nagbalikan na muli sila ni Bench?. Pero parang hindi rin naman, hays!!!! Kelangan ko ng kunkretong sagot Apem.
“nasaktan kita eh” pamimilit ko pa.
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)