THE GIRL FROM YESTERDAY
#TGFY 32
“Mahirap kalimutan ang isang taong, nabigya ng maraming magagandang ala-ala sa iyo”
………..
Adrienne’s POV
First date namin ito. Oo mag-dedate kami ni Karlo at alam ko at sobrang excited na kayo sa mangyayari. Ano nga ba ang nangyari, pagkalipas ng 4 na taon?
After ng magulong pangyayari sa buhay namin noong highschool ay nakapag-aral na kaming dalawa sa mga college school na napili namin. Ako sa Saint Claire College taking up BS Chemical Engineering. Yun kasi ang gusto ng mommy ko. At dahil sa favorite ko naman ang subject na iyon kaya ko narin na gustuhan at isa pa malaki ang kikitain ko kapag nakatapos ako sa kurso kong iyon. Samantala si Karlo naman ay ipinagpatuloy yung pinapangarap niyang kurso, ang maging isang dakilang Guro. Taking up BS EDUCATION sa ST. Agustus College. Nakakatuwa na noong bata pa man kami ito na ang gusto niyang kunin, at sa wakas na kuha narin niya.
Habang tumatagal ay naging okay ulit ang relasyon naming dalawa ni Karlo. Hindi man kami araw-araw na magkasama ay nagkakaroon parin kami ng pagkakataon na magkita, kahit isang linggo. O di kaya ako itong patuloy na nangungulit sa kanya sa apat na taon na iyon. Ipinangako niya rin na hindi siya magkakaroon ng Girlfriend sa apat na taon na iyon at ako lang ang babae sa buhay niya. At syempre bilang ganti, ganun din ako sa kanya.
Lumipas ang isang taon, nalaman ko na may nililigawan itong isang babae, pero noong nalaman ko nga ito ay kaagad niya itong itinigil. Haha nakakatawa yung pagkakasabi nito sa akin na isa lang raw iyon sa mga libong babaeng gustong kunin ang puri niya. Hindi ko talaga maiwasan ang matawa, gustuhin ko man siyang batukan sa panloloko niya sa akin, then I find myself laughing about the issue.
At ngayon sa minutong ito, nasa Rizal Park ako, promise kasi namin sa isa’t isa na kapag handa na kami sa damdamin namin. Sa parkeng ito namin sasabihin yung nararamdaman namin. Gusto ko na maging Saksi si Rizal sa pag-iibigan namin. Bakit si Rizal? Wala lang! trip lang namin, yun kami eh, walang pakielamanan. Haha
Napapatingin ako sa aking relos, may ilang minuto pa. huminga ako ng malalim, ayaw kong tawagan ko itext si Karlo dahil alam kong makukulitan lang ito. Napatingin ako sa bantayog ni Rizal. Ang taas, abot kaya ito hanggang langit? Haha syempre hindi, nakikita ko pa yung tuktok nito. Eh, kung nasa langit kaya si rizal? Eh pwede kaya niyang ibulong kay lord na sana mag-ingat sa pagmamaneho itong Yatz ko? Dahil medyo Reckless pa naman ito when it comes to driving. Mataim-tim akong nagdasal. At pagkatapos kong gawin yun ay, inisip ko naman yung panahon na magiging masaya kami dalawa ni Karlo.
Hanggang sa bigla nalang lumakas yung ihip ng hangin. Napatingin ako sa direksyon ng pinanggalingan ng hangin. Ang weird dapat pakanan tungo sa kaliwa ang direksyon ng hangin pero napabaliktad?. Tapos biglang kumulog. Hays mukhang hindi maganda ito ah?. Tapos bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko.
Natauhan lang ako noong nagbabavrate na yung phone ko sa loob ng bag ko.
Sinagot ko ang tawag ni mommy.
“Adrienne asan ka na ba ngayon?” pasigaw na tanong ni mommy sa likod ng telephono ko.
“Bakit po nyo ba ako hinahanap? May date kami ni Karlo ngayon,andito ako sa Rizal Park inaantay siya” sabi ko, sabay hawak sa dibdib ko na hindi parin tumitigil sa pagbilis ng tibok nito.
At noong muling nagsalita si mommy. Bigla nalang huminto bahagya ang tibok ng puso ko.
“Nasa hospital ngayon si Karlo…” hindi pa man tinapos ni mommy yung pagkakasabi ng nangyar kay karlo ay nabitawan ko na ang phone ko sa lupa. At noong narinig ko na nagkakalasan ito. Doon lang ako bumalik sa pagkatino ko.
Saka tumulo ang kauntin luha sa aking mga mata. Dali-dali kong kinuha ang phone ko’t hindi na inayos muna ito at saka nag-para ng masasakyan “Taxi”. Pero walang gustong magpasakay sa akin. Naiinis na ako, gusto ko ng maglakad papunta sa Saint Lukes sa taguig, pero alam kong malayo iyon. Hanggang sa may humintong isang kotse sa akin harapan.
At noong binuksan nito ang kanyang bintana ng kotse nito ay nakita ko kung sino ang nagmamaneho.
“Pierre!” biglang sabi ko sabay lapit sa kotseng dala niya. Si Pierre ay isang matalik na kaibigan ko at minsan pa nga ay pinagseselosan ni Karlo dahil sa sobrang closeness naming dalawa. Classmate ko kasi siya simula noong first year pa kami at hanggang ngayon ay magka-klase parin kami.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya sa akin.
“Saka ko na ipapaliwanag sa iyo, please harurutin mo na itong kotse mo’t dalhin mo ako sa Taguig.” Utos ko pa sa kanya. Pagkalipas ng 15 minutes ay nakarating na kami sa St. Lukes taguig. Habang nasa biyahe ay sinabe ko na ang nangyari kay Karlo kahit na wala pa talaga akong ideya kung ano nga ba talaga ang nangyari.
Nasa loob na kami ng kwarto kung saan nakikita ko nakahiga itong si Karlo at nandun din ang pamilya nito na kasama si mommy. Dahan-dahan akong lumapit at noong napansin na ako ni mommy ay kaagad ako nitong niyakap. Hindi ko maintindihan kung bakit may benda ang mukha ni Karlo halos ang buong katawan nito.
Hindi parin kasi ipanapaliwanag ng mga tao sa loob na iyon kung ano ba talaga ang nangyari.
Alam kong hindi pa siya patay pero bakit parang kinakabahan ako sa mga nangyayari?
Biglang pumasok ang doktor. Pinunasan ko ang luha ko’t nakinig ng maiigi sa finding ng doctor tungkol sa kalagayan ni Karlo.
Base sa sinabe nito ay may severe damage raw ang utak nito due to the accident na narasan niya. Malakas ang pagkabagok sa ulo nito at nawarak pa ang isang buto sa siyang nagpoprotekta sa utak ni karlo.
“So anong mangyayari po sa kanya? Hindi naman po siya mamamatay diba?” tanong ko sa doctor habang niyuyog yog ko ang suot nitong damit na pang doctor.
“Ihi! Hindi ko pa masasabi yan. Pero maaring magkaroon siya ng tinatawag na Amnesia!” amnesia? Parang maraming beses ko na itong narinig. Sa tv, sa Radio, sa Pocketbook, sa libro sa science. Pero si karlo? Magkakaroon ng amnesia? For real!
“Doc! Hindi pwede!” as I trying to calm myself sa mga nangyayari. Pinalabas pa ako ni mommy para maiwasan akong maging sobrang emotional sa mga nangyayari. Umiiyak ako sa bisig ni mommy. Para akong bata na inagawa ng kendi, iyak ako ng iyak. Hanggang sa napagod ako at nagising nalang ako na nasa loob ako ng sarili kong kwarto.
Kaagad akong lumabas, at dumeretso sa kwarto ni mommy, ngunit wala siya doon. Nakita ko nalang si mommy na naghahanda ng pag-kain ng umagang iyon.
“Oh! Gising ka na pala, mag-almusal na tayo” yaya pa nito sa akin
“Ma? Si karlo?” tanong ko sa kanya, umiling lang si mommy saka inihinto nito ang pagluluto’t muli ako nitong hinagkan.
“Magiging okay din ang lahat. Magiging okay din si karlo, magdasal ka lang sa kanya” sabi pa ni mommy habang sinuklay nitoa ng buhok ko gamit ang kanyang kamay.
MayAmnesia si Karlo. So ibig sabihin, makakalimutan niya ako? Ang lahat-lahat sa amin? Ang lahat ng mga magagandang nangyari sa amin?. Parang ang hirap naman non? Parang hindi ko naman ata kaya yun? Pero siguro isa rin ito sa mga Challenge ni lord sa aming dalawa, kung makakayanan ko ito, ibig sabihin para talaga kami sa isa’t isa.
At kakayanin ko ito para kay karlo, dahila mahal na mahal ko siya.
…..
All Right Reserved 2014
Copyright By: Mervin Canta
A/N: Sorry kung medyo, matagal! sorry kung medyo pinag-antay ko kayo. this chapter is the sign na malapit ng matapos ang kwento ng istorya nila Karlo at Adrienne. at sana hanggang sa huling chapter ay suportahan niyo parin po ang kwento salamat!
:P
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)