#ENTRY 22

2.8K 25 3
                                    

KUMUSTA KRAS MO?


A/N:


Wow eto po ang kauna-unahang POV ni Bench “Benji” Chan. Sana magustuhan nyo. Hehe gagawin ko rin pong medyo nakakatawa na may kasamang drama itong POV ni Benji. Salamat pala ah? Kasi sa supporta nyo naka 5k na po tayo.


XOXO


Wackymervin.

#ENTRY 22


BENCH’S POV


Hindi ko na nahatid sila Adrienne at Karlo, nagpumilit na kasi si karlo na ihatid ito at umuwi na sila, pumayag narin ako kahit na nag-aalala ako sa ginawa ni Karlo kanina, na nilaklak nito yung isang boteng alak ng diretso at walang tigil. Para lang hindi gawin ni Adrienne yung dare? Nagtataka ako may lihim bang pagtingin si karlo kay Adrienne?.

Nasa kwarto ako noon ng iniisip ko yung nangyari kanina, ng biglang pumasok si Trixie.

“pwedeng kumatok” sabi ko sa kanya.



“wala ka ng dapat itago sa akin, nakita ko na ang lahat ng iyan” *_* medyo badGirl. Si trixie na palapit sa akin.

“trix, wala ako sa mood ngayon” sabi ko pa sa kanya

“hmmm Bench, yung sinabe mo sa akin kanina na….” hindi pa tinutuloy ni trixie yung sinasabe nya ay kaagad na akong nagsalita, alam ko naman yung gusto nyang ipoint out sa usapan namin ngayon eh.

“oo!, tama yung narinig mo, tama yung sinabe ko, na hindi na kita mahal, alam kong nasaktan kita kanina pero…”

“Don’t worry hindi ako nasaktan, at isa pa kasalanan ko naman  yun eh, ako nag-open ng topic na yun so, don’t feel sorry about it”.

Nakatitig parin si trixie sa akin habang nakaupo naman ako sa kama ko.

“Gusto mo na ba si Adrienne?” tanong pa ni Trixie sa akin. Alam ko na itatanong nya yung bagay na iyon. At syempre handa ako sa isasagot ko.

Gusto ko na nga ba si Adrienne?

Bakit ko sya magugustuhan?

Sya na ba yung babaeng tutuwid sa mga pagkakamali ko?

Eh ano ba yung mga maling nagawa ko?

Baka kasi maging katulad lang sya ng iba?

Hays ang dami kong tanong sa sarili ko.

Kaya tumahimik nalang ako at hindi na sinagot yung tanong ni Trixie. Nonsense din naman kasi eh, hahaba lang ang gusapan kung ganun. Tapos iiyak na naman sya sa harapan ko. Tapos tapos tapos…hays.

“umuwi ka na, mukhang lasing ka na eh” sabi ko kay Trixie.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon