KUMUSTA KRAS MO?
#ENTRY 20
KARLO’S POV
Maagang nagising si Apem. Nakasimangot kaagad ito nang pumunta ng kusina. Nandoon kasi ako malapit sa laundry area. Kung saan malapit nga ang kusina, Since hindi naman pumayag si Apem na labahan nito yung mga damit ko tapos binugbog pa ako nito, ang babaeng ito talaga walang ginawa kundi bugbugin ako purkit nakikitira lang ako sa kanila. Tsk
“Goodmorning” bati ko pa sa kanya.
“anong maganda sa umaga?” tanong pa nya
“ikaw” kunwaring sagot ko hehe im sure kikiligin na naman itong dragonang ito at hahampasin na naman ako.
“pwede ba wala ako sa mood makipagbiruan sa iyo” sabi pa ni apem sa akin.
“hihi buti alam mong nagbibiro ako. Ano? Anong gagawin mo ngayon araw, sabado tapos maganda ang araw, sabi sa balita hindi raw uulan, ano? Saan ka pupunta? Saan ka gagala?”
Tumitig sa akin si apem. Lumapit ito sa akin ng konti saka nagsalita. Yung titig nyang parang manga-ngain?, yung titig dragona ayun na naman ang ginawa nya akala naman nya masisindak nya ako.
“kelan ka pa naging concern sa mga gagawin ko?. At kelan ka pa naging scheduler ko ah? Yung tipong pati ang sikat ng araw eh kelangan mong malaman, o kung tatamaan ba ako ng malakas na hangin sa labas, kung babaha. O makakadelubyo sa araw na iyon huh?. Kelan pa?” medyo tumataas na yung boses ni Adrienne.
Actually normal nya na itong pagsasalita, yung parang galit?. Yung parang akala mo laging may kaaway yun pala eh nagpapaliwanag lang kaya sanay na ako.
“ngayon palang, hmmm umalis kasi ang mommy at daddy mo kanina, sabi nya samahan raw kita kung saan ka pupunta. Eh wala rin naman akong gagawin ngayon araw kaya kung saan ka man pupunta eh sasamahan kita, kahit na hindi ko gusto eh kelangan kong gawin kasi nga utos ng mommy mo.” Pagpapaliwanag ko pa sa kanyang makitid na utak.
“so kung inutos ni mommy na halikan mo ako? Eh hahalikan mo ako?” sus Apem, nawili naman ito sa kakahalik sa akin. Eh kung gusto mo eh ok lang naman joke.
“depende” sagot ko sabay tumalikod at bumalik sa laundry. Sumunod rin si Apem sa laundry, tinitigan ako nito habang binabanlawan ko yung mga damit kong nilabahan kanina pa. shet gusto ko ng mag-asawa para hindi ko na maranasan ang paglalaba ng damit ko tsk.
“oh? Nakatitig ka dyan? Gusto mo akong tulungan, medyo pagod na ako kasi kanina pa akong umaga naglalaba ng mga balde-balde labahan ko ano?”
“hmmm let me think” after a few second, oo segundo lang, sabi nya mag-iisip sya pero hindi naman nya sinabe na superduper saglit lang tsk tutulung din pala. Hindi talaga nya ako gustong mahirapan.
“ok tutulungan kita dyan, pero” sus tutulong lang may pero pero pa. tsk sana hindi mahirap.
“ano yung kundisyon mo?” nakasimangot ako kasi tutulungan lang itong dragona na ito eh may kundisyon pa. bakit kaya ganun ang mga tao? Tutulung na lang kelangan may kapalit? Tsk unfair.
“sasamahan mo ako pumunta sa bahay nila Bench, he invites me kasi sa bahay nila so ano?” Medyo nabingi ako sa sinabe ni Apem ng mga minutong iyon, nakatitig parin ako sa kanya.
Ako? Pupunta ba bahay ng mukhang baklang iyon?.
Ako? Sasamahan kay Apem para puntahan yung lalakeng iyon?
Ako? Ako na umiinit yung dugo sa twing nakikita na kasama nito si Apem?
Ako? Bakit ako?
“ano? Ang tagal mo naman sumagot, pero bago yun samahan mo muna ako sa palengke mamimili ako ng lulutuin nating lunch este doon na kasi tayo maglulunch sa kanila, ipagluluto ko sya.”
![](https://img.wattpad.com/cover/7759787-288-k329471.jpg)
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)