#ENTRY 5

3.6K 37 2
                                    

KUMUSTA KRAS MO?

#ENTRY 5

Shupitbahay ko si kras?. At hindi lang kapit bahay, super kapit bahay.

Paano sila nakalipat ng hindi ko alam?.

Hayssssssss. Hindi ako makahinga. I can’t breath.

Nakatingin parin ako sa langit. Ay madilim na pala. Sa stars na pala ako nakatingin. At syempre hindi lang ako tumitingin. Nagdadasal din ako. At ang dasal ko…

“sana maging kami ng kras ko.” Super assuming si bakla ampota.

Hanggang sa may kumatok sa pintuan ko.

“ma wawasakin mo ba ang pintuan ko?. Goshhhhhhhhhh” tumayo ako sa higaan ko at pumunta sa may harap ng pintuan, at binuksan ito.

“prepare your gorgeous dress, may bisita tayo, ngayon na.” si mama aligaga.

“sino naman yan? At bakit talaga bongga ang damit na isusuot ko?. Ma? Don’t tell me ibebenta nyo ako sa kanya?.” Sabay hinawakan ko yung dalawa kong malaking dibdib. At ang matambok kong pwet. Char lang wala nga akong pwet eh.

“basta, wag ka ng matanong pepektusan kita dyan eh aarte pa?. bilis” hala si mama, wagas maka aligaga?.

sino ba kasi yung importanteng bisita na iyon?. At gabi pa pumunta?. Matutulog na nga lang ako eh gumaganito pa?. may pasok pa kaya bukas. At syempre excited ako na pumasok ng maaga, mali excited akong gumising ng maaga kasi makakasabay ko palabas ng subdivision si kras. Nga pala hindi ko pa alam ang pangalan nya?. Hmmm soon malalaman ko rin.

Tiwala lang.

Bumaba na ako kasi sumisigaw na naman ang mahaderang ina ko. Pagbaba ko. Wearing my new clothes na binili ni daddy sa akin nung nakaraang linggo. Short kung short ang peg ko, paki mo?.

Pagbaba ko.

“I would like to introduce to you my….beautiful daughter.” Si mama lakas makamayaman ng pagpapakilala sa akin, pababa palang ako sa hagdanan ng bigla akong…

‘ahhhhhhhhhhhhhhhh”

Nahulog ako sa hagdanan.

Sorry! Medyo tanga lang. tumayo ako tapos inayos ko yung sarili ko. May nakita akong isang babae, maganda sya, medyo kasing edad nya si mommy at may kasama ata ito pero nasa couch na nahaharangan nya.

Ngumiti ako saka inayos ko ang short ko na kinain na ata ang pwet ko. Kairita.

“oh, is she your daughter?.” Lumapit ang babae at niyakap ako. At biglang nanlaki ang mga mata ko.

“how cute, ang cute cute cute cute nya.” Oh ate, o should I say tita, tama na ang pagpisil sa pisngi ko, baka masira ang pes ko.

Yun na nga nanigas ako. Oo pati yung ano ko nanigas sa nakita ko.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon