#TGFY 18

660 7 6
                                    

THE GIRL FROM YESTERDAY

#TGFY 18

“kapag nanligaw ka maging seryoso ka. Seryoso sa nararamdaman mo at hindi sa tinatakbo ng isip mo”

………………………….

Sophia’s POV

Monday Lunch break nag-kita kami ni Adrienne sa isang café. Mas nauna itong dumating sa akin, nalate ako kasi nagkaproblema yung kotse ko naflat yung gulong. Nagtaxi nalang ako pumunta doon sa usapan namin.

“Sorry I’m late, kanina ka pa ba dito?” tanong ko pa kay Adrienne.

“Uhmm medyo, akala ko nga di ka na darating eh” sabi pa nya sa akin, sabay higop ng kapeng binili nya.

“Wait lang ah, oorder lang ako ah” nasa harapan  ako ng counter at umurder ako ng isang pasta Pesto, butterscotch, oreo cheescake para kay Adrienne at isang Hazel Nut latte. Saka na ako bumalik sa upuan ko.

After few minutes dumating na yung orders ko. At saka kami nagpatuloy sa pag-uusap ni Adrienne.

“So anong pag-uusapan natin?” tanong ko pa sa kanya habang iniikot ko yung pastang inorder ko.

“tungkol ba ito kay karlo?” pagpapatuloy ko pa.

“Seryoso ka ba sa bestfriend ko?” tanong pa nya sa akin. Ang awkward ng tanong nya. Ako pa talaga itong tinatanong nya kung seryoso ako sa bestfriend nya.

“Tss, bakit mo na tanong?” balik kong tanong sa kanya.

“Pwede mo munang sagutin yung tanong ko, bago ka magtanong pabalik sa akin” hays maldita?.

“uhm, ganito nalang. He’s special to me” sagot ko.

“Hindi mo sinagot yung tanong ko eh, it’s answerable by yes or no. pero ang iba yung sinagot mo” iritableng sagot pa nya.

“Adrienne, kung seryoso man ako o hindi Is’t not of your business anymore. Unless na may feelings ka parin sa kanya” sabi ko.

“Meron pa” sagot pa ni Adrienne.

“huh?. May gusto ka parin kay karlo?, tssk alam mo ang unfair mo rin no?” sabi ko.

“unfair ito sa boyfriend mong si Bench. Pinili mo nga sya pero may nararamdaman ka parin sa bestfriend mo.”

“iba yung nararamdaman ko sa kanya. Wag kang mag-isip ng kung ano dyan. Wag kang magconclude dahil hindi mo alam. Concern ako sa kanya, concern ako sa mga taong makikilala nya, kaya kita kinakausap ngayon to know your reason kung bakit bigla ka nalang parang kabute na dumating sa buhay ng bestfriend ko” giit pa ni Adrienne.

“I got your point, oo na. sorry na sa nasabi ko, pero Adrienne, trust me hindi ko sasaktan si karlo. gaya ng ginawa mo” pag-papamukha ko pa sa kanya.

“you don’t know the reason behind it. Ang alam mo lang sinaktan ko yung puso nya, pinaasa ko sya pero sophia…”

“Stop! I don’t want to hear anything from you tungkol sa nakaraan nyo ni karlo. karlo is courting me, and he said that he likes me, and I like him too. Kaya please kung may problema ka sa akin, sa akin nalang wag mo ng idamay pa yung bestfriend mo”

“Wala akong problema  sayo, naiinis lang ako sa nararamdaman ko. Naguguluhan ako” sabay umiyak na sya. Tss iyakin pala itong babaeng ito.

Kinomfort ko sya. Hinimas-himas ko pa yung likod nya.

“Don’t worry, ipapangako ko sa iyo na magiging masaya kami ni karlo. patitinuin ko yung utak ng lalakeng iyon. At pipilitin kong kalimutan kung ano man yung mga masasakit na narasanan nya noon” pagpapaliwanag ko pa kay Adrienne.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon