KUMUSTA KRAS MO?
#ENTRY 60
“kahit na hindi nya ako gusto, ok lang. basta alam ko sa sarili ko na nagka-gusto ako ng isang tulad nya. Na alam ng puso ko na sya at sya lang ang taong iibigin ko, kahit na kunwarian lang ito”
-Ayris.
………………………………
Ayris’s POV
Bata palang kami parangarap ko ng makasama habang buhay itong si karlo. Sya kasi yung pinapangarap kong lalakeng makasama at gusto kong maging ama ng aking mga magiging anak.
Pero noong lumipat sila ni tita Franz doon sa laguna kasama nito si karlo ay biglang nagbago ang lahat.
Nawalan ako ng bestfriend. Nawalan ako ng taong makakausap. Nang taong aasahan na magliligtas sa akin kapag may nagbubully sa akin. Yung taong mag-papangiti sa akin araw – araw. Yung taong mamahalin ko sana….
“I like you karlo” gusto ko na itong sabihin sa kanya habang nanonood kaming dalawa sa isang sinehan. Magkatabi kaming dalawa. Maganda ang movie na pinanood naming dalawa. Mag-kaholding hands kaming dalawa habang ang ulo ko ay nasa balikat nya.
Hindi ko mapigilang maiyak hindi lang sa ganda ng palabas na aming pinapanood kundi sa sitwasyon na dinaranas ni Karlo ngayon.
Bakit ba kasi doon pa sa babaeng iyon napunta ang isang katulad ni karlo na walang ni nais kundi ang maging Masaya?.
All of his entire life ngayon lang raw sya nakaramdam ng saya. At yun ay naramdaman nya doon sa babaeng iyon. Bakit? Hindi nya rin ba pwedeng maramdaman sa akin iyon?. Pwede ko rin naman iparamdam sa kanya yun ah?.
Pero kahit siguro anong gawin ko hindi talaga ako ang taong gugustuhin ni karlo.
“oh? Tapos na ang palabas pero bakit umiiyak ka parin?” pinunasan ni karlo yung luhang natitira sa mukha ko paglabas namin ng sinehan.
Hindi ko masabing gusto ko sya. Hindi ko masabi ako nalang please? Hindi ko masabing kalimutan mo na sya. Dahil alam ko kapag sinabe ko yun masasaktan sya.
Kaya imbes na magsabi ako ng nararamdaman ko ay ipinaramdam ko nalang sa kanya na lagi akong nandito para tulungan sya…bilang isang kaibigan.
Niyakap ko si karlo….niyakap ko sya ng kay higpit. At ganun din sya sa akin.
Sabay sabing… “thank you Ayris”
“no…it’s my pleasure to help you Karlo, anyways let’s go to hospital?” ganito ang palaging routine namin ni karlo. Every Friday after school hours ay hindi ako pumapayag na hindi kami pumunat sa hospital dahil may appointment ito sa doctor nya para Makita kung may pagbabago ba sa sakit nya.
“oo na hindi ko nakakalimutan” sabi pa nito sabay pisil pa ng pisngi ko. He always do that to me yung iniinis ako sa mga bagay na ginagawa nya?. Yung pagpisil ng pisngi. Yung pag-gulo ng buhok ko. Pagkurot sa bewang ko. At paghawak lagi ng kamay ko.
Malapit na kami sa hospital ng biglang huminto si Karlo at seryoso itong tumingin sa mga mata ko.
“wag mo akong iwanan best ah?” bigla akong nagulat sa inasal nya.
Bakit naman nya sasabihin yung mga ganung salita?.
Hawak hawak ko pa ang kamay ni Karlo ng mga oras na iyon pero noong pumasok na ito sa loob at dahan dahang tinanggal ang kanyang kamay sa aking kamay ay parang biglang sumikip ang dibdib ko. Bigla akong kinabahan, bigla akong umiyak.
![](https://img.wattpad.com/cover/7759787-288-k329471.jpg)
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)