KUMUSTA KRAS MO?
#ENTRY 53
“Yung feeling na nahawakan ko yung kamay ni kras?...yiheee “
………………………….
Karlo’s POV
Maybe it’s not official pero mas ok na eto kesa sa hindi kami nagpapansinan ni Adrienne. Kesa sa nagtatago kami ng nararamdaman namin sa isa’t isa. Kesa sa kasama nya si Bench at hindi ako kesa sa iba ang iniisip nya hindi ako, kesa sa naguguluhan sya at least ngayon alam kong ako, at ako lang ang iniisip at ang nasa puso nya. Yihee.
“paano natin sasabihin kanila mommy?”
Hindi pa kasi namin na sasabi sa parentsa namin that we are dating. Pero paano nga ba namin sasabihin lalong lalo na sa parents ni Adrienne na kaming dalawa na halos magkapatid na ang turingan sa isa’t isa eh malapit ng mag-shota.
Hinawakan ko ang kamay ni Adrienne. Tumingin sa mga nito, humingan ng malalim. Tsaka nag-isip.
“kinakabahan ako Karlo” pareho kaming nasa harapan ng bahay nila Adrienne nasa loob na si Mommy para sa isang family day. Oo may family day sila Adrienne twing Sunday at dahil sa part na kami ng pamilya Gonzaga ay lagi kaming inaanyayahan ni tita Marie na dito na kami mag-Umagahan, hanggang sa abutan na kami ng dinner.
Kakagaling lang kasi namin ni Apem sa simbahan, yun kasi ang paalam namin sa kanila pero sa totoo lang nagsimba talaga kami at nagdate sa 7Eleven. Kung saan ko unang nakita yung tunay na ugali ng Dragona na ito?. Haha (Back Read!)
Magka-holding hands kaming papasok sa loob ng bahay nila Adrienne.
Kaagad nakita ni Tita Marie na hawak hawak ko ang kamay ni Adrienne. Gustong bumitaw ni Adrienne pero pinigilan ko sya. Hinigpitan ko pa ang paghawak ko sa kamay nya. Medyo na nginginig ang kamay ni Apem ng mga oras na iyon hindi sya mapakali.
Nakatitig parin si Tita marie at tila hindi makapaniwala sa nakikita, samantala si Mommy naman ang syang unang bumati sa aming pagdating.
“oh? Andyan na pala kayo? Bakit ang tagal nyo? Siguro nagdate pa kayo no?”
Pabirong sabi pa ni mama. Biglang tumayo si tita marie at pumunta sa pwesto na kung saan kami nakatayo ni Adrienne.
Kaagad nitong hinila palayo si Apem sa akin. At ito’y kinagulat ni mommy.
“Explain this Apem” medyo mataas pang boses ni tita Marie. Tumayo narin si Tito Paul at hinila si tita marie para itigil ang ginagawa nitong pag-sigaw sa anak.
“Tama na marie.” Sabi pa ni tito paul pero parang bingi si tita marie at hindi nya ito pinapakinggan. Tumabi si mommy sa akin at hinawakan ako nito ba balikat at kinomfort.
“ano? Kelan mo itatago sa amin ah?, ano? Ano Adrienne?”
“tita please I will be the one who explain everything” sabat ko pa sa kanila.
“You should explain this Karlo, pinagkatiwalaan kita. All of a sudden magiging ganito? Kelan pa?”
“tita hindi pa kami ni Adrienne” sagot ko pa.
Sumagot narin si mommy. My mom doesn’t know everything about my relationship with Adrienne.
“Marie…pakinggan mo muna ang sasabihin ni Karlo”
“pakinggan? Ano bang dapat kong pakinggan sa anak mo Francine. Baka alam mo ito? Hindi mo sinasabe? Alam mo naman na napaka-bata pa nila?. Francine naman part na kayo ng family eh bakit ganito naman”
![](https://img.wattpad.com/cover/7759787-288-k329471.jpg)
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)