THE GIRL FROM YESTERDAY
#TGFY 19
“Lokohin mo na ako, wag lang ang puso ko”
…………………….
Adrienne’s POV
Yehey! Finale exam na. sobrang pinag-handaan ko ito. Halos ilang araw na akong hindi makatulog sa kaka-review. Kasama ko pa sa kwarto si Bench o minsan nandoon ako sa bahay nila para sabay kaming mag-review para sa araw na ito. Hmmm bakit ba ganito ako ka-seryoso sa bagay na ito?.
Ito kasi yung bagay na syang magdadala sa akin sa rurok ng kaligayahan. Medyo pangit pakinggan pero yung talaga ang karapat-dapat na salita para sa bagay na gusto kong maabot. Ever since na pumasok at nag-umpisa ang highschool life ko. Inasam ko na na maging valedictorian, oo para pagtanda ko ay may masasabi naman ako sa mga magiging anak ko na matalino ang mommy nila. At pinag-hirapan ko na maabot ang bagay na ito.
Ilang minuto nalang mag-sisimula na ang Exam. Walong subject ang sasagutan namin ngayon araw. At kahit na medyo nahihilo ako sa mga equations sa Physics pinag-aralan ko ito ng husto. Nandyan naman si bench para alalayaan ako sa mga ganitong subjects eh. Minsan nagpapaturo din ako kay karlo, pero mas madala kasi na kasama nito ang girlfriend nyang si Sophia tss.
Inabot na sa akin ni karlo yung Test paper sa unang subject na sasagutan namin. Filipino. Mabilis kong natapos ito. Sa lahat ng subject yung filipino ang pinaka-madali, hindi gaya ng sabi ng iba na boring ang subject na ito, for me it’s interesting subject.
Sumundo naman ang history, math, Mapeh Iv, at ang pinaka-huli ay ang physics. Medyo sumakit ang ulo ko sa huling tanong. Hindi ko napag-aralan ito. Napansin pa ni Karlo na nahihirapan ako. Ewan ko ba pero kahit na may inaabot sa akin si karlo, na piece of paper na alam kong nakapaloob dito yung sagot sa tanong na iyon ay hindi ko kinuha. May paninindigan ako. Kung bumagsak man ako at hindi pumasa, dahil desisyon ko iyon at hindi dahil sa hindi ako nag-aral. At mas masaya kung pumasa ka ng hindi na ngongopya.
Pagkalipas ng halos 2 oras. Sobrang nadraine yung ulo ko. As in parang wala ng laman yung utak ko. Pero thankful parin ako kasi natapos na yung exam. At aantayin ko nalang ay yung resulta.
Nagyaya pa si Bench kasama ang mga barkada na pumunta kami sa isang mall. Kasama naman ni karlo si Sophia na sinundo pa nito sa paaralan nila.
Sa mall, nagkantahan kami, kumain at masaya. Tapos inihatid na ako ni bench sa bahay. Saka ako nag-paalam sa kanya.
Napansin ko na bakit may sapatos ng lalake sa may harapan ng pintuan namin. Kaagad akong pumasok at nagulat ako sa akin nakita.
“Mommy?....Daddy???” nanlaki ang mga mata ko. Nang muli kong makita na masayang nagkwekwentuhan ang dalawang taong importante sa akin.
“oh? Andyan ka na pala anak, kanina pa kita inaantay. Gusto ko nga sana sunduin ka sa school nyo pero sabi sa akin ng mommy mo, eh may naghahatid na raw sa iyo dito sa bahay…hmmm hindi mo pa pinapakilala sa akin yung taong iyon ah” sabay kiliti sa akin ni daddy sa aking tagiliran.
“Paanong???” gulat na sabi ko.
“hmmm, maging masaya ka nalang na ganito na kami ng mommy mo. Okay?. Okay na kami ngayon” dagdag pa ni daddy.
“So babalik ka na sa bahay?” napalingon si daddy kay mommy. At umiling si mommy sa tanong ko.
“What?” reaksyon ko.
Lumapit si mommy sa akin at sya itong nagpaliwanag ng lahat sa akin.
Pinirmahan na kasi ni mommy yung annulment nila ni daddy. Oo narealize daw ni mommy na pinahihirapan lang daw nito yung sarili nya at ganun din ang daddy ko. Pati rin ako nahihrapan sa mga ginagawa nila. Kaya nya nagawa itong bagay na ito ay para na rin sa akin.
BINABASA MO ANG
Kumusta Kras Mo Series
Teen FictionKUMUSTA KRAS MO (BOOK1-FINISHED) THE GIRL FROM YESTERDAY (BOOK2-FINISHED) LET ME LOVE YOU AGAIN (BOOK3 soon)