#ENTRY 61

1.6K 15 5
                                    

KUMUSTA KRAS MO?

#ENTRY 61

“kahit anong gawin kong pag-papanggap na hindi ako na-sasaktan, isang tingin nya lang bumabalik ang lahat. At muli akong nasasaktan”

-Adrienne.

……………………………….

 Adrienne's POV

Kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na kaya kong mag-move on. Na kaya kong hindi pansinin at kausapin man lang kapag nagkita kami ni Karlo ay hindi ko magawa. Sa isip ko palang yun ah? Nagtatalo na sila paano pa kaya kung muling mag-tagpo ang aming dalawa sa iisang lugar?.

Sunday nagyaya si tim na magsimba kaming dalawa. Kasama ko si mommy at daddy. Ipinakilala ko siya sa kanila. Well wala naman akong narinig sa kanila kasi gentleman naman itong baliw na ito.

Oo gentleman siya pero sa akin eh hindi sya gentle ang likot ng kamay nya kung saan-saan gumagapang nakakairita.

After naming magchurch, hindi ako makapaniwala na pumayag si mommy at daddy na sumama ako kay Timothy para gumala sa mall ng hindi sila kasama, pero makipagkita kay Karlo ay hindi nila ako pinapayagan.

Ano bang problema nila?

sa mall.

“oh? Bakit parang hindi ka Masaya” tanong pa ni Tim sa akin noong papasok kami ng entrance ng mall.

“tinatanong mo ako kung bakit hindi ako Masaya?.  Oo hindi ako Masaya na ikaw ang kasama ko ngayon. Hindi ako Masaya sa araw na ito. Hindi ako Masaya na ginaganito mo ako. Bakit mo ba ginagawa ito?”

Reklamo ko pa sa kanya.

“diba? Sinabe ko na I like you, that’s why I’m doing this things” nakangiti pa nyang sabi.

“diba? Sinabe ko na rin sa iyo na hindi kita gusto? Naiintindihan mo ba yun?” nakasimangot kong sabi sa kanya. Tumalikod ako sa kanya at nagcross armed.

Lumapit sya sa akin at hinarap ako nito.

“diba sinabe ko na tutulungan kita na maibalik sa iyo ang boyfriend mo?” nakangiting sabi nito. Ang pulang labi nya. Ang maliit nyang dimple sa kanyang kaliwang pisngi. Ang asul nyang mga mata.

Napatitig ako sa kanya.

“wag mo nga akong titigan ng ganyan Adrienne” sabi pa nito na parang biglang nashy type.

“hala? Hindi kita tinitignan adik ka” bigla akong tumalikod at naglakad palayo sa kanya. Iniwan ko sya nauna na akong naglakad sa kanya. Nagsasalita pa sya pero hindi ko sya pinapakinggan.

“hoyyy…hoyyy” tawag pa nya sa akin.

‘hindi kita kilala” sagot ko sabay nakangiti habang patuloy sa paglalakad palayo sa kanya. Pumunta at sumakay pa ako ng escalator para hindi na nya ako mahabol. Ang kulit nya at kung magiging boyfriend ko ang tulad nya siguro lagi kaming mag-aaway. He’s not even the type of guy na mafafall ako kaagad.

Oo aminado ako ang gwapo nya. Ang tangkad nya, he’s also rich na isa sa asset nya to get girls easily pero ibahin nya ako. Hindi ako easy to get.

At dahil sa sobrang baliw itong lalakeng ito ay hinabol ako nito gamit ang isang escalator din pero yung pareverse ang takbo. Sa kabilang escalator ito dumaan.

At sobrang nagulats ako.

“hoy? Baliw ka anong ginagawa mo dyan?” nagtitingi nan na yung mga tao sa ginagawa nya.

“iniiwasan mo kasi ako eh. Hoy Adrienne kausapin mo ako” pamimilit pa nito. Malapit na akong makatapak sa second floor pero itong baliw na ito ay pababa na ang direksyon kasi hindi na sya pinapayagan ng mga nakasakay sa mga tao doon na sumiksik at ipagsiksikan nya ang sarili nya sa umaandar na escalator.

Kumusta Kras Mo SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon